Sa umaga, hindi maintindihan ang itsura ng billboard.
Si Dracula ay isa sa mga piksyong karakter na sumikat sa mga tao noon pa man. Madalas na makita ang karakter na ito sa mga horror na pelikula, palabas sa TV kahit pa sa mga musicals at talaga namang maraming tao ang tumatangkilik dito.
Sa ngayon, may inie-ere sa BBC One at Netflix na palabas na may titulong "Dracula". At upang mai-promote ang palabas na ito, hindi lang sila nagproduce ng commercial sa TV at sa internet. Nag-install din sila ng napakalaking billboard.
Ibinahagi ito ng page na Never Stop Learning.
Sa umaga, hindi maintindihan ang itsura ng billboard. Sa kaliwang bahagi ng billboard, mayroon lamang mga kahoy na nakalagay na may iba't-ibang haba at nasa iba't ibang posisyon din.
Sa bandang kanan naman ng billboard, makikita ang titulong "Dracula" kaya naman masasabi na isa itong ad tungkol sa palabas na Dracula.
Pero palaisipan pa rin sa maraming nakakakita sa billboard kung para saan ang mga kahoy sa kaliwang bahagi ng billboard. Wala pang nakakaalam.
Ngunit pagsapit ng gabi, doon na makikita ang purpose ng mga kahoy sa billboard. Dahil sa anino na nagmumula sa mga kahoy na naliliwanagan ng spot light sa gilid ng billboard, nabubuo ang larawan ng Dracula pati na ang nakakatakot at matatalas na ngipin nito.
Makikita sa larawan na ibinahagi ng page na Never Stop Learning ang itsura nito.
Sa ilalim na bahagi naman ng billboard, makikita ang signage na "In case of Vampires, Break Glass". Dahil sa signage na ito, naging mas lalong nakakatakot ang billboard.
Napakahusay ng naisip nilang paraan para ipakita ang larawan ng Dracula. Talagang kakaiba ito sa ibang mga billboard at nakakaagaw pansin kaya naman siguradong marami na ang napatingin dito.
Talagang isa itong mabisang paraan para mai-advertise ang palabas na Dracula.
COMMENTS