Isang pasabog ngayong taong 2020 ang pagputok ng Bulkang Taal na matatagpuan sa Talisay, Batangas City.
Isang pasabog ngayong taong 2020 ang pagputok ng Bulkang Taal na matatagpuan sa Talisay, Batangas City.
Ang bulkang Taal ay isa sa mga maganda at puntahang atraksyon na pumupukaw ng pansin sa ating mga turista mapaibang bansa o mapalokal mam dahil na din sa lokasyon nito na nasa gitna ng Lawa ng Batangas. Itong bulkan ay may taas na 984 na talampakan na naglalaman ng isang maliit na bunganga o crater na pinangalanang Lawang Dilaw. Ito ay unang sumabog noong 1572 at sinasabing 25 na beses na itong pumutok.
Noong Enero 12 taong 2020 ay muli nanaman siyang nagalit at pumutok. Ang pinsala ng naturang pagputok ay hindi napaghandaan ng karamihan kaya marami ang nasalanta at naapektuhan nito kasama ang mga bata, matatanda, mga hayop at mga pananim.
Sa ngayon ay pinag iingat ang lahat dahil sa malawakang ash fall na maaaring mangyari anumang oras.
Nag-aalala din sa ngayon ang mga residente ng Lumang Bayan, San Teodoro, Oriental Mindoro dahil sa isang kakaibang eksenang nakita nila sa kanilang baybayin. Napakaraming maliliit na mga Isda ang nasa mismong buhanginan at napakababa ng level ng tubig.
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Zhul Alexis ang maliliit na mga isda na nagkalat sa kanilang dalampasigan at na dinadampot na lang ito ng mga taong nakapaligid doon. Kapansin pansin din ang mababang level ng tubig dagat.
Marami sa mga nakatira malapit dito ang talagang nababahala dahil sa insidente ito. Marami ang nag-isip na baka dahil ito sa pagsabog ng bulkang Taal. Sinasabi naman ng iba na baka dahil sa tindi ng init ng tubig sa ilalim ng dagat ang dahilan kung bakit nagsilutangan ang mga isdang ito.
Ikinakatakot din ng marami ang banta ng pagkakaroon ng sunami dahil ang biglang pagbaba ng level ng tubig ay isa sa mge senyales ng pagdating ng sakunang ito.
Naglabas na din ang ating pamahalaan ng listahan ng mga karatig lugar na makakaranas din ng malawakang ash fall. Bukod dito ay maaari ding makaranas ang Batangas ng isang Volcanic Sunamidahil na din sa hindi tipikal na low tide na kasalukuyang nangyayari ngayon sa lugar.
Ipinakita ni Atoms Ki Tilaram ang mga lawarawan na nagpapakita ng kakaibang low tide na nangyari sa Batangas. Ito daw ay dahil sa hinihigop daw ang tubig ng bulkan at kapag ito ay pumutok uli ay maaari itong magdulot ng isang Volcanic Sunami.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan o paliwanag mula sa awtoridad kung ano nga ba ang totoong dahilan ng paglabas ng kapakaraming maliliit na isda at mga corals sa mga baybayin.
Kani-kaniya namang espekulasyon at opinyon ang mga netizen dahil sa naturang pangyayaring ito. Marami ang naniniwala na dahil nga sa pag-aalburoto ng bulkang taal, uminit ang tubig sa ilalim ng dagat kaya naglabasan ang mga isda.
Nababahala na din ang ibang netizen sa ikinakatakot na sunami. Ang iba naman ay nagsasabi na ito na ang senyales ng pagkawasak ng mundo. Pinapayuhan din nila ang mga residente doon na manalangin, mag-ingat at mag-evacuate na kung kinakailangan.
COMMENTS