Pagkakolekta ng mga sigay at tahong, agad naman niya itong ibinebenta sa palengke.
Mapagmahal ang mga ina. Lahat ay gagawin nila para masuportahan ang pangangailangan ng kanilang mga anak, kapalit man nito ay malaking sakripisyo at paghihirap sa kanilang parte. Kaya naman ang mga Nanay ay isang regalo sa atin na hindi kailanman mapapantayan at dapat na pahalagahan.
Iyan ang pinatunayan ng isang 85-anyos na nanay mula sa bansang Vietnam. Sa kabila ng kaniyang katandaan, masipag pa rin siyang nagbabanat ng buto anupat nagbababad ng ilang oras sa dagat para makapangolekta ng sigay at tahong.
Siya si Nguyen Thi Ro. Ang masipag na nanay na ito ay maagang bumabangon at nagtutungo sa kanilang baybayin upang magtrabaho sa dagat.
Pagkakolekta ng mga sigay at tahong, agad naman niya itong ibinebenta sa palengke. Gayunpaman, ang trabahong ito ay napakahirap talaga para sa kaniya yamang kailangan niyang mababad ng mahabang oras sa dagat upang makakolekta ng kakaunting sigay at tahong.
Mahusay man si Nanay Nguyen sa ganitong trabaho batay sa kaniyang edad, Nagbabalat naman at nangangati at ang kaniyang balat na sa kalaunan ay nagkakarashes at nagsusugat. Pero ginagawa niya ito para sa kaniyang anak-anakan.
61-anyos na ang anak-anakan ni Nanay Nguyen ngunit ito naman ay may sakit sa pag-iisip. Namayapa na rin ang kaniyang asawa noong edad-70 siya kaya naman napilitang siya na mangolekta ng sigay at tahong para manatili silang buhay na mag-ina.
Dahil sa kaniyang kalagayan, tinutulungan siya ng kaniyang mga kababaryo sa pangongolekta ng sigay at tahong. Binibili naman agad ng iba ang kaniyang nakolekta bilang tulong sa kaniya. Ibinibili naman niya ng gamot para sa anak-anakan niya ang kaniyang kinikita kahit pa siya mismo ay nangangailangan din ng gamutan.
Nawa nga na ang sakripisyong ito ni Nanay Nguyen ay maging inspirasyon sa ating lahat na pahalagahan at tulungan ang ating mapagmahal na mga magulang lalo na sa pagtanda nila.
COMMENTS