Hindi lang simpleng mamamayan ang mga deboto ng Itim na Nazareno. Ang ilan din ay mga mayayaman kabilang na ang ilang mga kilalang personalidad.
Debosyon sa pananampalataya. Iyan ang naka-ugit na sa puso ng maraming Pilipino. At isa sa nga panata na inaaalala ng maraming mga deboto ay ang Enero 9 na kapistahan ng Itim na Nazareno.
Ang ilan, sa pagpapakita ng debosyon dito ay nakapagbuwis pa nga buhay. Ngunit taun-taon, dinadagsa pa rin ang pag-alala sa Nazareno.
Hindi lang simpleng mamamayan ang mga deboto ng Itim na Nazareno. Ang ilan din ay mga mayayaman kabilang na ang ilang mga kilalang personalidad.
Si Coco Martin ay isa ring deboto ng Nazareno mula noong bata pa siya. Sinabi niya na mas lulalim naman ang kaniyang pananampalataya dito ng sagutin umano nito ang kaniyang panalangin na magkaroon siya ng maganda at stable na career.
Sinabi niya na tatanggapin niya anumang trabaho ang ipagkaloob sa kaniya ng Nazareno kahit pa mawalan siya ng tulog. Sa ngayon, patuloy pa din ang debosyong ipinapakita ng sikat na aktor bilang pasasalamat sa kaniyang tinatamasang kasikatan ngayon.
Ang sikat na singer naman na si Angeline Quinto ay isa ring deboto ng Nazareno sa loob ng halos labing-pitong taon na. Nagsimula siyang maging deboto nito ng mapagaling naman daw nito ang kaniyang Nanay mula sa karamdaman nito.
Nagpagawa naman si Angeline ng sariling replica ng Nazareno sa kaniyang tahanan at ibinahagi niya ito sa kaniyang Instagram Account.
Isa pa sa mga kilalang personalidad na deboto rin ng Nazareno ay ang batikang broadcaster at dating bise-presidenteng si Noli De Castro.
Panata na ni Kabayan Noli na mag-leave tuwing kapistahan nito upang makasama siya sa prusisyon ng Nazareno.
Isa din sa nagpahayag ng paniniwala sa Nazareno ay si McCoy De Leon.
Ibinahagi naman niya sa kaniyang Instagram post ang kaniyang pasasalamat dahil sa kabila ng matinding pagod at pananakit ng katawan ay nagawa niyang makasampa sa karo ng Nazareno.
Isa rin si Ai-Ai Delas Alas sa mga deboto ng Nazareno.
Dumalo naman siya sa over night vigil at nagbigay ng pahayag tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Itim na Nazareno.
COMMENTS