Saan nga ba matatagpuan ang pinakamalinis na Public Wet Market sa Pilipinas?
Kapag sinabing “Public Wet Market”, unang naiisip natin ay hindi ito masyadong malinis at hindi din ito ganun kabango. Sa loob ng Wet Market ay matatagpuan ang madaming tindahan ng mga wet goods tulad ng isda, karne at manok.
Hindi maikakaila na madaming tao ang pumupunta sa mga public wet market dahil dito mabibili ang mga pangunahin nating kailangan lalo na sa mga kinakain o inuulam natin sa pang araw-araw na buhay.
Ngunit, saan nga ba matatagpuan ang pinakamalinis na Public Wet Market sa Pilipinas? Mayroon pa nga ba?
Itinanghal na “Pinakamalinis na Public Wet Market” ang Palengke ng Bukidnon. Kung makikita ninyo sa mga larawan ay talaga namang mapapa WOW ka sa ganda, linis at kasinop ng bawat stall ng mga wet goods na nakabalandra.
Madami sa ating mga netizens ang mapapapost talaga sa kanilang mga social media accounts dahil sa angking kalinisan na itinataglay ng nasabing palengke.
Isa ding nakakagulat ang linis at walang amoy na comfort room o CR para sa publiko. Kung ikokompara mo daw sa ibang public CR ay talaga naman daw na mapapa “Sana All” ka.
Sabi pa nga ay may mga stall at counters din daw sa loob ng palengkeng ito na gawa sa konkretong “Granite” na materyales at mayroon din silang maayos na bentilasyon na naging dahilan ng pagkakaroon ng mabangong amoy di tulad ng ibang palengke na malansa at may kakaibang amoy dahil sa walang maayos na bentilasyon.
Maraming sa ating mga Pinoy ang namamalengke nalang sa mga Supermarkets o Malls dahil mas komportable at masisiguradong malinis ang mabibili na produkto dahil sa magandang ambiance at malinis paligid.
Ang palengkeng tulad ng nasa Bukidnon ay makita at gayahin sana ito ng ibang munisipalidad ng bawat probinsya sa Pilipinas. Hindi lang ito para maipagyabang sa iba bagkus nakasalalay din dito ang kaligtasan ng publiko lalong lalo na sa mga pagkain na pwede nating makain na di natin alam na kontaminado na pala ito ng mga bacteria na sanhi ng maduming kapaligiran.

COMMENTS