Sa isang IG post naman na in-upload ni Mariel noong Linggo, December 22, inanunsyo ng TV host-actress na siya ay nakabalik na nga ng bansa kasama ang kaniyang dalawang anak.
Matapos maghintay ng mahigit isang buwan na pagdating ng mag ina ni Robin Padilla, ay kamakailan lamang nga ay nakita na rin sa wakas ng action star ang kaniyang pangalawang anak na si Baby Maria Gabriela kasama ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla.
Ang actor na tila isang matapang at malakas na lalaki sa telebisyon ngunit sa likod ng camera ay isa siyang mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak.
Maaalala na kinailangan ni Mariel na manatili sa United States sa loob ng tatlong buwan para sa preparasyon para sa panganganak ng kaniyang pangalawang anak.
Siya ay nanganak sa pamamagitan ng normal delivery section sa isang hospital sa Delaware noong November 15, isang araw matapos ang 3rd birthday ng kaniyang unang anak na si Maria Isabella.
Base naman sa mga ulat, hindi naaprubahan ang visa ni Robin kung kaya't wala siya sa US at sa tabi ng kaniyang asawang si Mariel habang pinapanganak nito ang kanilang pangalawang anak.
Sa isang IG post naman na in-upload ni Mariel noong Linggo, December 22, inanunsyo ng TV host-actress na siya ay nakabalik na nga ng bansa kasama ang kaniyang dalawang anak, ang panganay na anak na si Maria Isabella at ang kapapanganak pa lamang na si Maria Gabriella.
Siya din ay nag-upload ng isang maikling video clip na nagpapakita ng ilang litrato kung saan sinalubong sila ni Robin Padilla.
"WE ARE HOME!!!!! After 3 months... my family is finally WHOLE!!! home will be always be with you [Robin]. Thank you so much for allowing me to do this for our children it was only possible because of you and your support. We missed you sooooo much!!!"
Sa dulo naman ng kaniyang post, sinabi ni Mariel na siya ay mag-uupload ng video clip sa kaniyang Youtube Chaneel, kung saan ipapakita nito ng kanilang reunion kay Robin at pati na rin ang unang pagkakataon na nakita ni Gabriela ang kaniyang ama.
COMMENTS