Princess Pacquiao, Ipinakita Ang Loob Ng Kanilang Magarbong Mansyon Sa Kanyang Home Tour Video

Nitong October 13 lamang ay in-upload ni Princess ang nasabing video clip na pinamagatang 'House Tour with SIblings' sa kaniyang YouTube channel


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang video clip ang anak ni Senator Manny 'Pacman' Pacquiao na si Mary Divine Grace Pacquiao o mas kilala bilang Princess sa kaniyang YouTube channel.

Maliban sa pagpapakita ng ilang parte sa loob ng kanilang maganda at magarbong bahay, sinama din ni Princess ang kaniyang mga kapatid sa kaniyang vlog para sa maiksing 'Question and Answer' portion na kasama ang mga ito.

Nitong October 13 lamang ay in-upload ni Princess ang nasabing video clip na pinamagatang 'House Tour with SIblings' sa kaniyang YouTube channel na mayroong username na Mary Pacquiao. Siya naman ay binansagan bilang 'Princess' ng kaniyang mga magulang ay dahil siya ang panganay na anak na babae ng mga ito.


Aniya, "Today I will be doing a house tour. I will be showing you guys our whole house, and while doing that, I'll be doing a small Q and A with everyone I meet."

Sa naging house tour, ang pangatlong anak nina Manny at Jinkee ay ipinakita din niya ang kwarto ng kaniyang mga kapatid, ang kanilang rooftop, sala, kusina, pool area, at pati na rin ang kanilang mga alagang mga hayop katulad ng ibon, aso, at pusa.

Ang unang kwarto na kaniyang ipinakita sa video ay sa kaniyang nakakabatang kapatid na si Israel, ngunit ito ay wala sa kanilang bahay sa araw na iyon dahil ito ay pumunta sa kaniyang swimming lessons. Sunod naman niyang ipinakita ay ang loob ng kaniyang kwarto na kasama naman niya ang kaniyang nakakabatang kapatid na babae na si Queenie.


Ang pangatlo namang kwarto na kaniyang ipinakita ay sa kwarto ng kaniyang Kuya Michael. Nang buksan niya ang pinto ng kwarto nito, makikita na nasa higaan pa ito, ngunit pinagbigyan pa rin nito ang kahilingan ng kaniyang kapatid para sa maiksing Q and A kasama ito. Tanong niya dito,


"If you were to have a superpower, what would it be?"

Sinagot naman siya ni Michael na nais niya magkaroon ng 'super speed' na kapangyarihan katulad ng superhero na si Flash.

Sa pangalawang tanong naman, tinanong naman siya ni Princess ng ilan sa kaniyang mga hilig katulad ng pagpipinta, pagkanta, pagsayaw, pag-beatbox, paggamit ng piano, pagguhit, at ang pagbabasketball.


Habang ibinabahagi ni Princess ang ilang parte sa kanilang bahay, nakita niya ang kaniyang nakakabatang kapatid na babae na si Queenie at kanilang ginawa ang Q and A portion sa kanilang pool area.

Sa kanilang naging Q and A, pinahayag ni Queenie na nais niyang magkaroon ng kapangyarihan na makagawa ng yelo dahil siya ay mahilig sa mga malalamig na bagay. Mahilig din siyang manood ng telebisyon at makipaglaro sa kanilang mga alagang hayop.


Kaniya ding tinanong ang kaniyang Kuya Jimuel na siyang kakatapos lang kuman. Tungkol naman sa superpower na katanungan dito, sinabi ni Jimuel na nais niyang magkaroon ng abilidad na lumipad.

Marami naman sa ating mga netizens ang natuwa dahil nakita nila ang ilang parte ng bahay nila Pacquiao na hindi naman madalas na itatampok sa balita, sa internet, at sa magazines. Maliban pa diyan, marami din sa atin ang nalaman ang ilan sa impormasyon tungkol sa mga anak nina Manny at Jinkee na nasabi sa Q and A portion na isinagawa ni Princess sa kaniyang vlog.

Sa ngayon, mayroon ng mahigit sa 2.2 million views ang nasabing vlog ni Princess.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Princess Pacquiao, Ipinakita Ang Loob Ng Kanilang Magarbong Mansyon Sa Kanyang Home Tour Video
Princess Pacquiao, Ipinakita Ang Loob Ng Kanilang Magarbong Mansyon Sa Kanyang Home Tour Video
Nitong October 13 lamang ay in-upload ni Princess ang nasabing video clip na pinamagatang 'House Tour with SIblings' sa kaniyang YouTube channel
https://1.bp.blogspot.com/-4V3-c4Yv-50/XeoGGbAngcI/AAAAAAAB4jc/UGzhe82kOUAStbOCccANX42GPf-8LYevgCLcBGAsYHQ/s640/mary%2Bhouse%2Btour.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-4V3-c4Yv-50/XeoGGbAngcI/AAAAAAAB4jc/UGzhe82kOUAStbOCccANX42GPf-8LYevgCLcBGAsYHQ/s72-c/mary%2Bhouse%2Btour.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/princess-pacquiao-pinakita-ang-loob-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/princess-pacquiao-pinakita-ang-loob-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy