Sa kaniyang post ay sinabi niya ang kaniyang masamang karanasan mula hackers at pandaraya na nagyari mismo sa credit card niya.
Mahirap kumita ng pera. Marami sa atin ang todo sa pagkayod para masuportahan ang pangangailangan ng pamilya at magkaroon ng ilang ipon mura sa kakarampot na sweldo.
Sa taas ng bilihin at presyo ng pangunahing pangangailangan, nagtitipid tayo at talagang pinag-iingatan ang bawat sentimong pinaghirapan natin. At para makasiguro na hindi natin magagalaw ang pera na inipon natin para sa hindi gaanong mahahalagang bagay, inilalagak natin ito sa isang bangko na pinagkakatiwalaan natin at inaasahan na poprotekta at magpapalago din sa ating pera.
Gayunpaman, hindi ganiyan ang nangyari sa isa nating kababayan na si Ronald Montales.
Sa kaniyang post nito lang Nobyembre 25, 2019, pinag-iingat niya ang mga katulad niya na may credit card mula sa BPI. Sinabi din niya ang kaniyang masamang karanasan mula hackers at pandaraya na nagyari mismo sa credit card niya.
Noong Setyembre 1, nakatanggap siya ng mensahe mula sa BPI na maraming online transaction ang credit card niya na umubos sa outsatanding balance niya at sumagad pa sa credit limit nito. Agad naman niyang ini-report na invalid ang mga transactions na ito, hindi naman nawala ang credit card niya at wala rin siyang ibang transaction online.
Bagaman inireport niya na invalid ang mga transactions na iyon, pumasok pa din to sa kaniyang credit card statements. Nang pumunta naman sila sa BPI Branch, sinabi sa kanila na under investigation pa ang case nila at marami rin ang may ganoong kaso gaya ng sa kanila.
Nag-follow up ang kababayan natin si Ronald noong buwan ng Nobyembre sa kasong ito ngunit sinabi pa rin nila na under investigation pa rin ito at maghintay na lamang sa susunod na advice. Sinabi niya na magsasampa na siya ng kaso kung hindi pa aalisin ang charges.
Makalipas lamang ang labinlimang minuto, sinabi ng management staff na valid ang mga transactions noong buwan ng Setyembre at na kailangan niyang bayaran iyon. Umabot ito ng halos 66,000 wala pa ang ibang mga charges.
Ninais niya san ana magsampa ng kaso sa bangko ngunit aabot ng 50,000 ang pagsasampa nito , wala pa ang iba pang charges at hassle sa pagpunta sa korte. Malungkot man pero nagparaya na lamang siya ipina-close na ang kaniya account para hindi na maulit pa.
Pinayuhan na lamang niya ang kaniyang mga kapwa BPI Card holder na ipa-close na din ang kanilang mga account yamang hindi sila ligtas mula sa hackers at baka marananasan din nila ito.
COMMENTS