Nakaka-Inspire Na Kwento Ng Kasambahay Na Isang Navy Officer Na Ngayon

Bagaman naging mahirap pa din ang kalagayan niya sa loob ng PMA, hindi sumuko si Meriam.


Sa hirap ng buhay ngayon, marami sa mga kabataan ang hirap na magpatuloy sa pag-aaral. At kahit nasa murang edad pa, ang ilan ay batak na rin sa pagtratrabaho para masuportahan ang kanilang pamilya. Dahil diyan, ang ilan ay hindi na nakapagpatuloy sa pag-aaral.

Gayunpaman, hindi naman ang lahat ay sumusuko na sa hirap ng buhay. May ilan na nagsikap na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral at may mariwasa at matagumpay na buhay ngayon.

Isa sa kanila ay si Meriam Libongcogon sa mga hindi nagpadala sa kahirapang kinasadlakan ng kaniyang pamilya. Si Meriam ay ika-2 sa pitong anak ng mag-asawang Florida at Mario Libongcogon na tubong-Cebu.


Talagang mahirap ang naging pamumuhay ng kanilang pamilya anupat silang magkakapatid ay nagtutulong tulong para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Sa edad na siyam, si Meriam ay namumulot ng kahoy, bato, buhangin at bao ng niyog para ibenta. Ang beinte pesos na kita naman niya dito sa lob ng isang lingo ay naging malaking tulong sa kanilang sambahayan.



Masikap sa pag-aaral si Meriam. Nakapagtapos siya bilang valedictorian sa elementary at nakatanggap ng scholarship para magpatuloy sa highshool. Gayunpaman, hindi na siya nakatanggap ng scholarship para sa kolehiyo. Kaya naman para nakapagpatuloy sa kolehiyo, nagtrabaho siya bilang katulong sa Cebu.

Hindi pa rin naging madali ang mga bagay bagay para kay Meriam. Kinailangan niyang ihinto ang kursong Computer Engineering. Dahil pinagsasabay niya ang pag-aaral at pag-aalaga ng mga anak ng kaniyang amo, nakaapekto naman ito sa kaniyang kalusugan.



Makalipas ang tatlong taon, nakapag-trabaho muli siya sa Baguio bilang katulong muli. Nakita ng kaniyang amo ang potensiyal ni Meriam kaya naman hinimok niya ito na pumasok sa Philippine Military Academy (PMA). Tinulungan pa siya nito upang makapag-apply siya doon at natanggap nga siya.


Bagaman naging mahirap pa din ang kalagayan niya sa loob ng PMA, hindi sumuko si Meriam. Sinabi pa niya na hindi siya naisip mag-resign dahil sanay na siya sa hirap. Nakapagtapos ng pag-aaral si Meriam at isa na siyang Navy Officer ngayon.

Ang kwentong ito ng karanasan ni Meriam nawa ay maging inspirasyon sa ating lahat na huwag sumuko sa hirap ng buhay, sa halip ay magpatuloy sa pagharap dito.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Nakaka-Inspire Na Kwento Ng Kasambahay Na Isang Navy Officer Na Ngayon
Nakaka-Inspire Na Kwento Ng Kasambahay Na Isang Navy Officer Na Ngayon
Bagaman naging mahirap pa din ang kalagayan niya sa loob ng PMA, hindi sumuko si Meriam.
https://1.bp.blogspot.com/-12gFQ_716X8/XejTnNuX7cI/AAAAAAAB4gc/JXPiWkuEKhAIYN45CP4GEhYNo29rvz-dwCLcBGAsYHQ/s640/maam%2Bmerriam.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-12gFQ_716X8/XejTnNuX7cI/AAAAAAAB4gc/JXPiWkuEKhAIYN45CP4GEhYNo29rvz-dwCLcBGAsYHQ/s72-c/maam%2Bmerriam.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/nakaka-inspire-na-kwento-ng-kasambahay.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/nakaka-inspire-na-kwento-ng-kasambahay.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy