Mga Pinoy Na Doktor, Nakadiskubre Ng Kauna-Unahang Gamot Kontra Dengue Sa Buong Mundo At Ibebenta Na Sa Madaling Panahon

It's not a vaccine, it's not a herbal supplement.


Matapos ang pitong taon ng pag-aaral kung ano nga ba ang magiging epektibong gamot para sa dengue, sa wakas ay mailalabas na rin ang kauna-unahang anti-dengue na gamot sa buong mundo at maaari din itong mabili sa mga botika. Ito din ay ginawa ng mga Pinoy.

Saad ni Dr. Rita Grace Alvero noong Biyernes sa kaniyang naging panayam sa reporter na si Ivan Mayrina sa 24 Oras,

"It's not a vaccine, it's not a herbal supplement. It's a dr*g that has an activity against the v1rus."


"So parang sinasabi natin na pag ininom ito ng pasyente, gagaling 'yung kanyang signs and symptoms. So i-cure niya talaga yung dengue."

Sinabi din ni Alvero na ang nasabing produkto o gamot ay ginawa para makatulong sa maraming tao.

"Nung ginawa namin 'to, ang naisip talaga namin para tumulong so 'yung cost dito would be less than the cost ng ginagamit ng isang pasyente kung siya ay may mild na dengue pag siya ay mag co-consult sa clinic or mas lalo siyang mas mababa kaysa sa mga pasyente na nag-punta sa hospital para magpa-confine."


Tinataya namang nasa 86% mula sa 222,849 na kaso ang naitala sa kaso ng dengue sa bansa noong January 1 hanggang November 30, 2018 na mayroong nasa 414,532 na kaso ngayon lamang 2019. Ang mga nasawi naman dahil sa dengue ay tinatayang nasa 1,122 sa taon lamang na 2018 at 1,546 naman nitong 2019.

Naging inspirasyon naman ni Alvero ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa para siya ay makagawa ng isang gamot para dito. Pinamahalaan din ni Alvero ang kaniyang Filipino team para makompleto ang produkto na kanilang gagawin.

Ayon naman sa ulat, ang gamot ay gawa sa mga tree herbs o endemic plants, na matatagpuan naman sa Pilipinas.


Sa unang bahagi ng ginawang testing ni Alvero kasama ang kaniyang team, kanilang napatunayan na ang gamot ay ligtas na inumin at wala din silang nakitang kahit anong side effects dito.

Gayumpaman, kinakailangan pa din nitong sumailalim sa marami pang pagsusulit sa susunod na anim na buwan para masiguro kung mabisa ba ito. Sa kabila naman nito, sinabi ni Alvero na ang gamot ay 100% na mabisa laban sa mga dengue at sa mga pasyente na mayroon ng malalang problema dahil dito.

Ipinahayag naman ng Department of Health (DOH) ang kanilang paniniwala at tiwala sa potensyal na mayroon ang gamot para na rin maresolbahan ang lumalalang kaso ng dengue sa bansa.

Saad ng DOH Undersecretary na si Eric Domingo,

"Kasi hindi naman nila itutuloy to the phase 2 and 3 clinical trials 'yan kung hindi mag-mukhang maganda yung resulta. Mukhang very promising naman talaga siya."

Ang pag-aaral naman sa anti-dengue na gamot ay isa sa mga parte ng Tuklas Lunas program na nais makagawa ng bagong mga gamot para sa mga sakit na madalas na dumadapo sa mga Pinoy. Isa din sa mga nag-sponsor dito ay ang Department of Science and Technology para maging maayos ang pag-aaral.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Mga Pinoy Na Doktor, Nakadiskubre Ng Kauna-Unahang Gamot Kontra Dengue Sa Buong Mundo At Ibebenta Na Sa Madaling Panahon
Mga Pinoy Na Doktor, Nakadiskubre Ng Kauna-Unahang Gamot Kontra Dengue Sa Buong Mundo At Ibebenta Na Sa Madaling Panahon
It's not a vaccine, it's not a herbal supplement.
https://1.bp.blogspot.com/-f9UJZLk-lEM/Xfz5TS-HEkI/AAAAAAAB6fo/TPG4oorWRzUG-0se_HIfFIHNSeQQ_NaZwCLcBGAsYHQ/s640/kontra%2Bdengue.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-f9UJZLk-lEM/Xfz5TS-HEkI/AAAAAAAB6fo/TPG4oorWRzUG-0se_HIfFIHNSeQQ_NaZwCLcBGAsYHQ/s72-c/kontra%2Bdengue.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/mga-pinoy-na-doktor-nakadiskubre-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/mga-pinoy-na-doktor-nakadiskubre-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy