Alam nyo ba na parami na ng parami ang populasyon ng mga Overseas Filipino Workers o OFW dito sa isla na ito?
Ang Faroe Island o Kapuluan ng Peroe ay grupo ng mga pulo na matatagpuan sa pagitan ng Dagat ng Norway at Hilagang Karagatan ng Atlantiko. Ito ay mahigit kumulang na nasa gitna ng Eskosya at Lupang Yelo. Ito ay parte ng Kaharian ng Denmark kasama na ang Denmark mismo at ang Lupanlunti.
Ang terminolohiya na “Faroe” ay isang salitang galing ng Norway na ang ibig sabihin ay tupa. Bakit kaya ito na tinawag na Faroe Island? Iyan ay dahil sa mas marami ang nakatirang tupa sa isla na ito kaysa sa tao.
For your information mahigit 70,000 na tupa ang nakatira dito at 50,000 lamang ang populasyon ng tao ang meron dito. Sinasabi din na mas marami dito ang kalalakihan kaysa sa kababaihan. Tinatayang nasa 2,000 lamang ang mga babae dito.
Ayon sa BBC News ay umaalis daw ang babae dito sa kapuluan ng Peroe upang mag abroad at humanap ng magandang oportunidad ng karera ng buhay sa ibang bansa.
Ngunit, alam nyo ba na parami na ng parami ang populasyon ng mga Overseas Filipino Workers o OFW dito sa isla na ito?
Nainterview nga ni Ms. Jessica Soho ang ilan sa mga OFW na nandun sa Faroe at mismong nagpunta ang buong team ng KMJS upang makita ang ganda ng Faroe at makapanayam ang mga Pinoy doon.
Si Antonette Egholm na Pinay na nakapangasawa ng taga Faroe na si Regin. Narito ang sinabi ni Antonette tungkol sa Faroe Island.
“People here are friendly,” she explains, adding that, “I’ve never experienced any negative reactions to my being a foreigner. I lived in Metro Manila and there we worried about traffic and pollution and crime."
"Here we don’t need to worry about locking the house, and things like healthcare and education are free. At home we have to pay. And here you can just call spontaneously at someone’s house, it’s not formal. For me, it feels like the Philippines in that way.”
Madami nga din daw ang mga pabirong nagsasabi na kung parang “Press Enter “ kung gusto mong mag asawa at sa Faroe Island ka pumunta.
COMMENTS