Ang mga kamoteng ito ay mula sa mga ani nila na kung saang ang layunin nila ay ibahin ang kaisipan ng karamihan na palaging nanghihingi ang mga Aeta.
Simula noon pa ay hindi na natapos ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng unat at kulot. Ito ay ang mga unat o ordinaryong Pinoy at mga kulot o mga Aeta o Ita sa ibang salita. Madalas kinukutya at inaalipusta ng mga unat ang mga Aeta dahil lang sa kanilang pisikal na itsura.
Malaking pagkakamali para sa atin na unat ang hindi natin pagtanggap sa kanila sa ating lipunan. Tulad natin ay tao lang din sila na may pakiramdam para masaktan. Tumatak na sa isipan ng ating lipunan na mas nakakaangat ang mga unat kaysa sa mga kulot.
Kamakailan lang ay nagtrending ang isang Aeta na super proud na rumampa sa isang pageant para lang irepresenta ang kanilang tribo na kahit iba ang itsura nila ay kaya din nilang makipagsabayan sa mga unat.
Ipinalabas pa nga ang segment na ito sa MMK na talaga namang pumukaw sa kaisipan ng karamihan at umantig sa mga puso natin.
Ngunit, ibahin nyo ang trending ngayon na imbis na unat ang magbigay sa mga Aeta ay naisipan ng isang tribo ng isang Aeta na sila naman ang magbigay kaysa sila ang tumanggap
Sanay na daw kasi ang karamihan na madaming mga Aeta ang bumababa sa kabayanan upang mamalimos at manghingi ng kaunting tulong upang sila ay makasurvive sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.
Ang mga larawang ito ay kuha mula sa isang court sa Maynila. Namimigay ang mga Aeta ng tone toneladang kamote para sa mga mahihirap.
Ang mga kamoteng ito ay mula sa mga ani nila na kung saang ang layunin nila ay ibahin ang kaisipan ng karamihan na palaging nanghihingi ang mga Aeta. Bagkus ngayon ay pinatunayan nila na kaya din nilang magbigay sa abot ng kanilang makakaya.
Ang 10, 000 na kilong kamote na ito na nagkakahalaga ng Php 5,000 pesos ay ibinahagi sa mga residente ng Baseco sa Maynila at umalalay naman sa pamimigay ang ating mga magigiting na Philippine Air Force, PNP at Cooperative Development Authority.
Maraming Salamat mga kapatid na Aeta! Mabuhay Kayo!
COMMENTS