Ang pagpapakasal sa taong gusto mong makasama habang buhay ay nangangahulugan din na pagpapakasal sa kaniyang buong pamilya.
Ang kasal ay isa sa mga pangako na panghabang buhay at hindi maaaring ayawan mo nalang kung kailan mo gusto.
Dahil ang pagpapakasal sa taong gusto mong makasama habang buhay ay nangangahulugan din na pagpapakasal sa kaniyang buong pamilya, kinakailangan mo din magbigay ng effort para sa pamilya iyong asawa at mahalin sila katulad ng pagmamahal na ibinibuhos mo sa iyong asawa.
Yan ang mensahe na ibinigay ng isang pari habang pinapamahalaan ang seremonya ng kasal.
Sa isang video clip na nag-trending sa iba't ibang socmed platform, maririnig na sinabi ng pari na:
“Kahit sila ay masaya para sainyo, ay may kirot sa kanilang puso. Sapagkat ang kanilang anak nasa harapan nila, pinag-aral, binigyan ng magandang bukas sa kabila ng hirap ng buhay. Hindi pa sila nakakabawi, nag-asawa na. May sarili nang prioridad ngayon. Pero ito ay tanggap nila.”
Matapos sabihin ng pari ang mga katagang talaga namang tumagos sa puso ng marami, ang ama naman ng bride ay nagsimulang maging emosyonal. Ang kaniya ding mga luha ay nagsimulang bumuhos dahil ang kaniyang anak ay malalayo na sa kanila dahil tio ay magsisimula nang bumuo ng sariling pamilya.
Dagdag pa ng pari na ang mga bagay na ito ay ang ilan lamang sa maraming bagay na maaaring maibigay ng isang magulang para sa kanilang mga anak.
“Kaya ngayon, kayo ay kayo. Kaya may kasal ngayon. Anumanangmarating pa ninyo sa habang panahon, it is all because of the love of your parents.”
Sinabi din ng pari na ang pagmamahal sa manugang ay isa sa mga paraan para mahalin ka pa lalo ng iyong asawa.
Makikita naman sa dulo ng video na niyakap ng mag-asawa ang kanilang mga magulang habang ito ay nagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa lahat ng bagay na kanilang ginawa para sa kanila.

COMMENTS