Base naman sa kaniyang mga IGpost, makikita na siya ay pumupunta at lumilibot sa ilang mga lugar sa bansa.
Isang video clip naman ang in-upload sa YouTube ng may username na Artista Updates kung saan kanilang itinampok nila ang dating Kapamilya star noong ito ay nasa showbiz pa at matapos ang kaniyang pag-alis sa industriya.
Ayon naman sa video clip, siya ay nakilala nang ito ay sumali sa reality show ng Kapamilya Network na Star Circle Quest kung saan siya ay nanalo bilang Grand Teen Questor.
Matapos naman niyang makuha ito, siya ay nagsimula na maging isa sa mga sikat na artist noong 2004 at nakalove team nga si Sandara Park.
Marami namang tao ang tumangkilik sa kanilang love team kung kaya naman sila ay nagkaroon ng ilang pelikula na magkasama katulad ng "Bcuz of You' at "Can This Be Love?"
Nang siya ay lumipat sa Kapuso Network, siya ay gumaganap sa ilang mga teleserye ng GMA katulad ng Dyesebel at Luna Mystika. Mula naman 2008 siya ay naging opisyal na nagtatrabaho sa Kapuso Network sa ilalim ng management na German Moreno at ng kaniyang kapatid na si Henry Angeles.
Ngunit kahit siya ay nakikita sa ilang teleserye, siya pa rin ay hindi isang full-time actor. Siya ngayon ay isang pintor, kaniyang itinuloy ang hilig sa art na naging dahilan kung bakit siya naging pintor.
Ang kaniya namang masterpiece ay ang mga normal na hayop at kaniya ding dinedetalye ang mga ito sa isang paper clip.
Base naman sa kaniyang mga IGpost, makikita na siya ay pumupunta at lumilibot sa ilang mga lugar sa bansa.
COMMENTS