Sabi nga ng matatanda, ang pagpapakasal ay hindi mainit na kanin na maaari mong iluwa bagkus ito ay isang sagrado o hindi dapat gawinh biro.
Sabi nga ng matatanda, ang pagpapakasal ay hindi mainit na kanin na maaari mong iluwa bagkus ito ay isang sagrado o hindi dapat gawinh biro.
Ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan ay talaga namang masasabi nating isang bittersweet na pangyayari. Bittersweet dahil bukod sa sweet na pagsasamahan ng dalawa ay mayroon silang maiiwan. Iyon ay ang kanilang mga mahal nila sa buhay tulad ng kanilang mga magulang at ang mga taong nag alaga sa kanila.
Ang bawat panig ng dalawang pamilya ng ikakasal ay dapat na maging handa at kailangan magpakatatag dahil hindi na magiging tulad ng dati ang magiging samahan dahil bubuo na sila ng sarili nilang pamilya.
Trending ngayon itong si Lola mula sa Jiangsu, China na nakuhanan ng kamera habang nakasilip sa pinto ng isang kwarto.
Sa loob ng kuwartong iyon ay ang kanyang apo na inaayusan at minemake upan para sa kanyang kasal.
Ang kanyang apo na si Wang ay lumaki sa lola nya magmula noong magpasyang maghiwalay ang kanyang magulang. Tumayo si Lola bilang Ama at kanyang Ina.
Kaya naman di maiwasan ng kanyang Lola na malungkot dahil di siya sanay na wala sa tabi nya ang kanyang apo. Makikita niyo din sa larawan na umiiyak ang kanyang apo na si Wang habang nakayakap sa kanyang lola.
Pinayuhan pa nga ni Wang ang ating mga netizens na habang nandyan pa ang ating mga magulang o lolo at lola ay dapat na sulitin natin ang kada momentum na kasama sila dahil hindi natin alam kung hanggang kailan sila nariyan para sa atin.
COMMENTS