Sa pagdadalang tao ng isang babae ay marami silang nararanasan na pagbabago sa kanilang mga katawan.
Ang pagbubuntis ng isang babae ay talaga naman napakahirap. Sabi nga ng mga nakaranas nito ay kalahati ng kanilang buhay ang malalagay sa panganib kapag nanganak ka.
Sa pagdadalang tao ng isang babae ay marami silang nararanasan na pagbabago sa kanilang mga katawan gaya ng pagkakaroon ng mood swings o pabago bago ng mood, paglilihi at pagtatakaw sa pagkain. Kaya naman matapos manganak ang isang babae ay napakalaki ang magiging adjustments nya lalo na sa pisikal nyang itsura.
Ang pagtaba ng isang babaeng matapos manganak ay isa lamang sa magiging epekto. Bukod pa sa stress na mararamdaman nya kapag may mga kumukutya sa kanya dahil sa kanyang size.
Isang halimbawa nito ay ang naging sitwasyon ni Lara Quigaman matapos nyang ipanganak ang kanyang pangalawang anak na si baby Tobias.
Kilala naman natin si Lara Quigaman bilang isang beauty queen at bilang isang beauty queen, dapat sila ay sexy at dapat sila ay maganda sa paningin ng iba. Baliktad na talaga ang pag iisip ng mga tao sa kasalukuyang panahon.
Sa post na ibinahagi ni Lara ay hindi maikukubli ang paghihirap ng isang ina para sa kanyang anak. Narito ang ilang statements ni Lara na pumukaw ng pansin sa ating mga netizens.
"Don't get me wrong I'm happy for those moms who have flat tummies just a few days after giving birth, but we're all different, our bodies are all different and that's okay and I want other mamas out there who are like me, who look at themselves in the mirror and feel sad because of what they see. I want you to know that you are not alone..."
"So to all the mama's out there who are exhausted, who's not had a proper shower, whose breasts are super sore, (I'm crying typing this- kaya natin to mamas) those who can't recognize their own bodies because of the stretchmarks and the chloasma or the dark patches all over their bodies, to those who still look pregnant after a month or even months after giving birth- cheers to us!"
"We are are all beautiful and unbelievably strong and God has given us such a wonderful gift that's worth all these hardships and body changes... So cheer up Mama You really are amazing!"
Kaya sa mga mommies dyan na katulad ni Ms. Lara Quigaman, taas noo natin silang batiin at sabihin sa kanila na proud ako sayo dahil kinakaya mo. Sana maging inspirasyon ng mga moms out there ang naging kwento ni Lara.
COMMENTS