Si Edmar Batac ay galing sa mahirap na pamilya. Nasa punto sya noon na tinitipid sya ng kanyang mga magulang para lang makatipid at makapag aral ang kanyang mga kapatid.
Marami sa ating Pinoy na sinasabing mahirap sila at walang pera. Marami din ang nagsasabi na wala na silang pag asang umangat sa buhay. Ngunit, ibahin ninyo ang kwento nitong si Edmar Batac. Masasabing isang maganda at makabuluhan ang naging istorya ni Edmar. Tara tunghayan natin ang kanyang inspiring story.
Si Edmar Batac ay galing sa mahirap na pamilya. Nasa punto sya noon na tinitipid sya ng kanyang mga magulang para lang makatipid at makapag aral ang kanyang mga kapatid.
Noong bata nga daw sya ay maging ang pagbubukas ng telebisyon, pagbubukas ng electric fan ay pinagbabawalan sya para lang makatipid ng kuryente ng kanilang bahay. Pati sa kanyang pagkain ay tinitipid din daw may maipakain lang sa iba nyang kapatid.
Madalas din sinasabi sa kanya ang mga katagang ito, “Yung pinambabaon mo, sa halip na napupunta sa kapatid mo, sa’yo napupunta!” Ilan lamang ito sa masasakit na salita na kanyang narinig.
Napakalungkot ng kanyang naging “Childhood Days” dahil imbis na paglalaro ang inaatupag ay natuto na din syang magbanat ng buto para lang mapilit na makatapos sya sa pag aaral.
Iba’t ibang raket ang kanyang pinasok para lang makasurvive. Naroon na ang pagbebenta nya ng gulay sa palengke, parking boy, at carwash boy na kumita sya ng Php 100 sa isang araw. Tinangka nya din daw na maging OFW ngunit hindi sya pinalad sa ibang bansa.
Bagkus noong bumalik sya dito sa Pilipinas ay nag-aral sya sa TESDA na kung saan ginamit nya ang kanyang naging allowance na Php 8,000 para makapagpatayo ng isang maliit na Food Coffee Cart.
Noong unang araw ay kumita sya ng Php12,000. Para sa kanya napakalaking blessings na iyon dahil nagsisimula palang sya. Hanggang sa napalago nya ang kanyang negosyo dahil sa kanyang naging karanasan, kasipagan, katiyagaan at determinasyon sa buhay.
Ngayon ay nagmamay-ari na sya ng sarili nyang kompanya ang Foss Coffee Kiosk Franchising Corporation na may 250 branches at 20 food carts.
MABUHAY KA EDMAR!
COMMENTS