Kilalanin: Kauna-Unahang Pinay Pilot Ng F-16 Fighter Jet Ng Elite U.S. Air Force

Kamakailan lamang ay pinahanga ni Capt. Monessa Catuncan ang mga pinoy netizens matapos kilalanin bilang kauna unahang Filipina F-16 fighter pilot ng Elite U.S. Air Force.


Kamakailan lamang ay pinahanga ni Capt. Monessa Catuncan ang mga pinoy netizens matapos kilalanin bilang kauna unahang Filipina F-16 fighter pilot ng Elite U.S. Air Force.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa nagawa ni Catuncan dahil kahit siya ay isang babae, nagawa pa rin niyang matamo ito. Bukod pa dito, kahanga-hanga din talaga ang ipinakita nito sa lahat.

Si Catuncan ay lumaki sa Pilipinas, siya ay nanirahan sa Pasay City at Olongapo City. Makalipas ang ilang taon na pananatili sa lugar, napagpasyahan ng kaniyang pamilya na sila ay lumipat sa US.


Noong second year naman si Catuncan sa Mesquite High School Texas ay pinangarap na nitong maging isang astraunot matapos mapanood ang pelikula na 'Armageddon.'

Ang kaniyang ama naman na si Ramon Catuncan ay pinaliwanag sa kaniya kung gaanong sipag at tiyaga ang kinakailangan niyang gawin bago niya makamtam ang pangarap.

Mayroon ding ilang tao ang nagpapahina sa kaniyang loob ngunit ito ay ginamit ni Catuncan para maging inspirasyon na magsipag at magtiyaga lalo para maabot niya ang kaniyang mga pangarap. Dahil dito, siya ay nakapagtapos ng Valedictorian noong siya ay High School.


Nakuha naman ni Catuncan ang atensyon ng U.S. Coast Guard dahil sa kaniyang nakakamanghang track record. Siya ay naimbitahan na makapasok sa isang helicopter sa Connecticut noong 1999.

Hindi naman pinalampas ng dalaga ang oportunidad na ito, tinanggap niya ito at pumunta sa Connecticut. Ngunit, makalipas lamang ang dalawang linggo matapos niyang matutunan na magpalipad ng isang helicopter, napagtanto niya na nais niya talagang magpalipad ng tunay na eroplano.


Kaya naman nag-aral siya ng aeronautical engineering sa US Air Force Academy sa Colorado Springs. Si Catuncan din ay nakapagtapos ng mayroong flying colors sa Undergraduate Pilot Training.

Kaagad naman siyang inalukan ng trabaho matapos makapagtapos ngunit pinili niyang hasain pa ang kaniyang husay at kakayahan sa pamamagitan ng pagte-training sa Moody Air Force, Laughlin Air Force Base, at Sheppard Air Force Base.

Ang lahat naman ng kaniyang pinaghirapan ay talagang worth it dahil siya ay nagkaroon ng pagkakataon na maging piloto sa F-16 Falcon, o mas kilala sa tawag na Viper.


Siya ay nag-training sa Luke Air Force Base sa Arizona at nakapagtapos muli ng mayroong flying colors, marami ding mga netizens at kaniyang mga guro ang humanga sa kaniyang husay.

Ang nagpamangha pa lalo sa mga tao ay ang katotohanan na siya lamang ang nag-iisang babae sa klase noon, at siya din ang magiging kauna-unahang Pinay sa mga F-16 fighter pilots ng Elite U.S. Air Force.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,350,Tips,60,Trending,368,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Kilalanin: Kauna-Unahang Pinay Pilot Ng F-16 Fighter Jet Ng Elite U.S. Air Force
Kilalanin: Kauna-Unahang Pinay Pilot Ng F-16 Fighter Jet Ng Elite U.S. Air Force
Kamakailan lamang ay pinahanga ni Capt. Monessa Catuncan ang mga pinoy netizens matapos kilalanin bilang kauna unahang Filipina F-16 fighter pilot ng Elite U.S. Air Force.
https://1.bp.blogspot.com/-__dIsChBXnE/XgYL3GARi4I/AAAAAAAB7ac/J872ocuo-I0P2EqOKdTuoprE2xSZTEcXgCLcBGAsYHQ/s640/pinay%2Bfirst%2Bpilot.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-__dIsChBXnE/XgYL3GARi4I/AAAAAAAB7ac/J872ocuo-I0P2EqOKdTuoprE2xSZTEcXgCLcBGAsYHQ/s72-c/pinay%2Bfirst%2Bpilot.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/kilalanin-ang-kauna-unahang-pinay-na.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/kilalanin-ang-kauna-unahang-pinay-na.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy