'Hero Surfer' Na Sinagip Ang Kalaban Sa Peligro, May Napakagandang Dutch Girlfriend.

Dahil sa lakas ng alon na umabot sa 10 feet, ang leg rope ng surfing board ni Arip Nurhidiyat ay naputol sa gitna ng kanilang head-to-head match na dahilan para ang kaniyang surfing board ay tumilapon sa ere.


Kamakailan lamang ay nakilala ang Pinoy surfer na si Roger Casogay matapos nitong magpakita ng nakakabilib na sportsmanship sa pamamagitan ng pagligtas nito sa kalaban na mula sa Indonesia sa kabila ng oportunidad na makuha ang gintong medalya sa Southeast Asian Games men's longboard competition. Ang nasabing kompetisyon ay ginanap noong December 6, Biyernes sa San Juan, La Union.

Dahil sa lakas ng alon na umabot sa 10 feet, ang leg rope ng surfing board ni Arip Nurhidiyat ay naputol sa gitna ng kanilang head-to-head match na dahilan para ang kaniyang surfing board ay tumilapon sa ere.

Madali naman umaksyon at bumalik si Casogay sa pwesto ni Nurhidiyat upang iligtas at tulungan ito. Sinamahan din ni Casogay si Nurhidiyat pabalik ng pampang.


Saad ni Casogay, “Tinulungan ko na siya. Ina-announce na kasi na malayo na siya.”

Bago naman maganap ang insidente, nakakuha ng mas mataas na puntos si Casogay kung saan siya ngayon ay lamang na sa third qualifying round sa longboard category.

Sino mang manlalahok ang matagumpay na mayari ang round na iyo ay maaari ng makapasok sa finals para lumaban sa ginto o silver na medalya.


Saad naman ng coach ng Philippine surfing team na si Luke Landrigan na maaari sanang malamangan ni Casogay si Nurhidiyat dahil na rin nga sa nangyari sa Indonesian surfer dahil maaari naman nilang hintayin na may magbigay ng ekstra pang surfing board kay Nurhidiyat.

Ngunit, mas pinili pa rin ng Pilipino surfer na iwaglit ang puntos at tulungan ang Insonesian surfer.


“It’s more than surfing. Malaki ’yung alon. Kahit na kalaban natin ’yun, ang No. 1 na goal pa rin natin dito is safe and have a good and friendly competition kahit na at stake ’yung gold, silver, bronze,” sabi ni Landrigan,

Nagpahayag naman ng pasasalat at papuri ang Indonesian surfing team sa ginawang pagtulong ni Casogay sa kanilang Indonesian surfer.



Saad ng Indonesian surfing coach na si Arya Subyatko,

“Thank you to all the Filipinos and also to Roger Casogay. He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we call we win as one.”

Sa kabilang banda, ilan naman sa mga netizens ang nagsasabi na si Roger Casogay din ay nagviral na noon pa man dahil sa pagkakaroon ng magandang girlfriend.



Ang kwento din ng magkasintahan ay naitampok na sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Marami sa ating mga netizens ang nagsasabi na hindi sila nagtataka kung bakit pinili si Casogay ng girlfriend nito dahil sa kaniyang busilak na puso at mabuting kalooban.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 'Hero Surfer' Na Sinagip Ang Kalaban Sa Peligro, May Napakagandang Dutch Girlfriend.
'Hero Surfer' Na Sinagip Ang Kalaban Sa Peligro, May Napakagandang Dutch Girlfriend.
Dahil sa lakas ng alon na umabot sa 10 feet, ang leg rope ng surfing board ni Arip Nurhidiyat ay naputol sa gitna ng kanilang head-to-head match na dahilan para ang kaniyang surfing board ay tumilapon sa ere.
https://1.bp.blogspot.com/-yHAXl72RINc/XexRxK_tvHI/AAAAAAAB4p0/tOY0YNk5xHw-X8HwPUk0JXQuJihycI0uwCLcBGAsYHQ/s640/pinoy%2Bsurfer%2Broger.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-yHAXl72RINc/XexRxK_tvHI/AAAAAAAB4p0/tOY0YNk5xHw-X8HwPUk0JXQuJihycI0uwCLcBGAsYHQ/s72-c/pinoy%2Bsurfer%2Broger.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/kilalanin-ang-hero-surfer-na-sinagip.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/kilalanin-ang-hero-surfer-na-sinagip.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy