Nagulat din naman ang ibang kasamahan ni Ryan Bang sa It's Showtime sa ipinakilala niya.
Magkatandem sina Karylle at Ryan Bang sa MagpasikatKRyan2019 Sampu-Sample. Pagkatapos ng performance, tinawag ni Karylle si Ryan Bang para may ipapakilala sa Madlang Pipol.
Agad naman tumugon si Ryan Bang kay Karylle at may ipinakilala siya sa Madlang Pipol. Tinawag niya ang kaniyang 'girlfriend' papunta sa stage. Napahiyaw ang Madlang Pipol sa magandang dilag na ito na umakyat sa stage.
Nagulat din naman ang ibang kasamahan ni Ryan Bang sa It's Showtime sa ipinakilala niya. Sinabi pa ni Ryan na nangako siya sa direktor ng naturang noontime show na ipapakilala niya sa kaniya ang kaniyang magiging girlfriend.
Pagkaakyat sa stage, binati ng director ang naturang dalaga at kinamusta ito. Sinabi niya na kamukha ito ni Ricky Dabao at Jackie Lou Blanco.
Bagaman hindi hayagang ipinakilala, ang dalaga nga ay isa sa mga anak ng sikat na mag-asawang artista na sina Ricky Dabao at Jackie Lou Blanco. Ang pangalang niya ay Ara Dabao.
Hindi tiyak kung totoo o pabiro lamang ang pahayag ni Ryan Bang sa It's Showtime yamang sinabi niya na dalawang araw pa lang silang magkakilala at na baka last na nila ito, naging kapansin pansin pa din sa Madlang Pipol ang natatanging ganda ng dalaga.
May ilan sa mga netizen na nagsabi na kamukha niya si Ellen Adarna, Coleen Garcia at Anne Curtis. May hawig din daw siya kay Kristine Hermosa at sinasabi pa ng marami na Filipina version daw siya ni Anne Hathaway.
Patunay lang ito na marami ang nagandahan sa mukha ni Ara at maaaring sa darating na hinaharap, pasukin din nito ang mundo ng showbiz
COMMENTS