At, take note! Ito ay libreng sakay mula December 9, 2019 hanggang January 2020
Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng Dyip o Jeep o Jeepney bilang pampublikong transportasyon. Ito ang major na makikita natin sa kalsada araw araw bukod sa taxi at motor. Kung ikukumpara sa iba, ang pagsakay dito ay mas mabilis, mas mura at mas ligtas sakyan bilang pangkomyut ng ordinaryong Pilipino.
Kung sa ngayon ay madami kayong nakikita na jeep sa kalsada ay pwes wag kayong magugulat kung makakakita kayo ng mga jeep sa mga ilog ng Maynila. Sapagkat, inilunsad na ngayong araw, Disyembre 9 taong 2019 ang mga water jeepney.
Ang ganitong uri ng jeep ay may byahe mula Cavite papuntang Manila at byaje mula Manila papuntang Cavite.
Kung magbibyahe ka gamit ang kalsada ay aabutin ka ng apat na oras mula Cavite to Manila. Ngunit, kung gagamit ka ng water jeepney ay aabutin ka lang ng 15 hanggang 20 minuto upang mapuntahan ang Cavite to Manila o vice versa.
“Hangarin ng programang ito na bigyan ng alternatibong paraan ng pagbiyahe ang mga kababayan nating taga-Cavite. Programang para sa kapakanan, convenience, at comfort ng mga taga-Cavite.”
“Ibabalik po natin ang efficiency ng mass public transportation system. Sinabi ni Mayor kanina, apat na oras ang biyahe. Ngayon, sumakay po kami galing ng MOA (Mall of Asia), 15 minutes lang andito na po kami sa Cavite”
Sa ngayon ay nagkakaroong Dry Run ang mga jeepney na ito. Nakasalarawan ang mga schedules ng water jeepney. At, take note! Ito ay libreng sakay mula December 9, 2019 hanggang January 2020! Kaya mga beshy, tara na at makibahagi tayo sa Dry Run ng Water Jeepney sa Pilipinas habang libre pa.
Ang libreng pagsakay sa water jeepney ay pinasinayaan bilang pamaskong handog ng dalawang shipping companies na Seaborne Shipping Company Inc at Shogun Ships Co., Inc.
COMMENTS