Sumikat sya noong 90’ s na kung saan ay nagpamalas sya ng kanyang galing sa pagsasayaw at TV hosting.
Si Vanessa Del Bianco ay isang kilalang personalidad o artista sa larangan ng showbiz. Sumikat sya noong 90’ s na kung saan ay nagpamalas sya ng kanyang galing sa pagsasayaw at TV hosting.
Isa din sya sa mga kinagiliwang commercial model ng mga anti dandruff shampoos. At dahil sa kanyang mga talento ay talaga namang nagkaroon sya ng madaming mga taga hanga.
Kung hindi ninyo naitatanong ay si Vanessa ay ipinanganak sa Canada at isa siyang Filipina Italian. Sumikat din sya sa ABS CBN STAR CIRCLE QUEST BATCH4.
Nakasama din syang host sa Magandang Tanghali Bayan na kung saan ay kasama nya si Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada. Gumanap din sya sa palabas na GIMIK.
Dahil sa kasikatan nya ay di naman maiwasan ang maissue ang magandang artista na ito. Naissue sya kay John Estrada at sinasabing nagpakasala at lihim silang nagkaroon ng anak.
Ito naman ay agad agad na sinagot ni Vanessa na hindi daw iyon totoo.
Ngunit, saan na nga ba si Vanessa Del Bianco? Kamusta na kaya sya at ano na ang kanya ngayong pinagkakaabalahan?
Sa ngayon ay sya ay nasa Canada upang tapusin ang kanyang pag aaral at ito nalang ang naisagot ng artista sa nag iinterview sa kanya,
“At that time, it was right for me to leave and pursue something else, that I was very passionate about- school. Something I was putting on hold for a long time. “
Bumalik si Vanessa sa Pilipinas noong 2005 at siya ay naging host ng Star Dance- The Search for the Dance Id. Bumalik agad sya sa Canada at doon na namalagi bilang Sales Manager sa Mayfair Club.
COMMENTS