Marami sa mga dating fans ng naturang aktres ang naging masaya din naman sa pagiging isang madre niya.
Taong dekada '90 nang si Maria Carminia Lourdes Cynthia Gutierrez, na mas kilala sa tawag na "Chin Chin Gutierrez" ay naging isa sa mga prominente at mahusay na aktres. Bukod pa sa natatanging kagandahan niya, ipinamalas din niya ang kaniyang husay sa larangan ng pag-arte anupat nakatanggap siya ng mga leading at supporting roles at mahusay ang kaniyang bawat pagganap sa mga roles na nakatanggap niya.
Isa sa mga patotoo nito ay ang natanggap niyang award sa Gawad Urian noong 1995 bilang best actress sa pagganap sa Maalaala Mo Kaya : The Movie at best supporting actress naman noong taong 1998.
Gayunpaman, sa kabila ng tagumpay na nakatanggap niya sa kaniyang career, iniwan niya ang mundo ng showbiz at pinili na mabuhay ng tahimik at malayo sa publiko.
Focus ngayon si Chin Chin Gutierrez sa kaniyang adbokasiya na may kinalaman sa environment preservation at tagapagsalita rin siya at nagtuturo tungkol sa environmental education.
.
Batay naman sa mga balita, nagpunta si Chin Chin Gutierrez sa Carmelite Convent para maging madre anupat sinusundan ang yapak ng kaniyang ina na naging Madre din naman sa Italya.
Sa post ng netizen na Vicksay Josol, kumpirmado nga ang balitang ito. Makikita sa post nito ang pagbati niya sa aktres may kinalaman sa bagong landasin na ito na tinatahak niya.
Marami sa mga dating fans ng naturang aktres ang naging masaya din naman sa pagiging isang madre niya.
Nakatanggap naman siya ng papuri mula sa mga netizens na humanga sa kaniyang sinakripisyo at pagsisikap na magampanan ang mga gawain niya. Ito daw ay pagtawag sa kaniya mula sa taas at mapalad siya sa pagsagot sa pagtawag na ito.
Sa kaniyang pag-alis sa showbiz, ipinakita niya na talagang nagpapahalaga siya sa kaniyang espirituwalidad at mapalapit sa Diyos. Makikita larawan na aktibo siya sa kaniyang mga gawaing espirituwal.
COMMENTS