Trending ngayon ang naging 7th Wedding Anniversary ng Melason.
Ang MELASON ay sumikat sa palabas sa ABS-CBN na Pinoy Big Brother. Ito ay pinagdugtong na pangalan nila Melai Cantiveros at Jason Francisco. Silang dalawa ay ipinagdugtong din ng tadhana sa loob ng bahay ni Kuya. Sila yung tipong nagsimula sa asaran na tumuloy sa kasalan.
Oo, ikinasal silan dalawa at ngayon ay mayroon na silang dalawang na si Mela at Stella. Ang pagsasama nila Melai at Jason ay hindi naging madali. Naroon na yung puntong naghiwalay sila ngunit pinagdudugtong pa din sila ng tadhana na magkabalikan at magkasama ulit alang alang sa kanilang relasyon at para sa kanilang anak.
Trending ngayon ang naging 7th Wedding Anniversary ng Melason. Nagulat si Melai ng dumating siya sa kanilang bahay na nakaayos ng romantikong dating na may pa candle light at may paflowers pa.
Hindi ito inaasahan ni Melai dahil umattend pa siya ng Christmas Party ng Magandang Buhay at late na dn syang nakauwi. Hindi nya alam na naghintay pala si Jason sa kanya hanggang siya ay makauwi sa kanila.
Para kay Melai ay isang napakatamis ng naging regalo ni Jason sa kanya. Umani din ito ng mga positibong reaksyon ng ating mga netizens sa social media.
Ang pag-aasawa ay isa nga naman talagang malaking challenge na dapat mong malagpasan. Hindi ito biro bagkus kailangan niyong labanan ang bawat problema na dadating para sirain ang relasyon ninyo. Kaya nga kayo ikinasal ay dahil dapat sabay kayo lagi sa bawat pagikot ng inyong araw araw na pagsasama.
Sa ngayon, ang MELASON ay maituturing na isang magandang ehemplo na pwedeng kapulutan ng matamis na aral ng buhay pag aasawa. Umiikot na din ngayon ang kanilang buhay sa mundo ng pag va-vlog kasama ang kanilang dalawa.
Nawa ay magtagal at tumatag pa ang inyong relasyon MELASON dahil madaming fans ang nakaabang sa inyong dalawa. MORE POWER MELASON!
COMMENTS