Saad ni Joem na ang kaniyang personal na problema ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay.
Ayon sa ABS-CBN News, kinumpira ng Kapamilya actor na si Joem Bascon na siya at ang vlogger na si Crisha Uy ay nagpasyang tapusin ang kanilang walong taong relasyon.
Saad naman ni Joem na ang kaniyang personal na problema ang naging dahilan kung bakit sila naghiwalay na dalawa dahil ito ay nakakaapekto na aniya sa kanilang relasyon.
Itinanggi naman ng actor na walang third party ang kasama sa kanilang hiwalayan.
Paliwanag ni Bascon,
"Hanggang doon na lang siya. Kapag pinilit pa, on my side siguro mas magiging magulo. So I guess hanggang doon ko lang talaga kaya.
"I'm hoping na maging friends kasi maayos naman 'yung pag-uusap. Pero wala naman kasing hiwalayan na hindi masakit. So masakit pa rin for both of us.
“Siguro lang ngayon, nakakausap niyo ako ng maayos kasi I'm busy with work. Sobrang busy ko na marami akong kasamang tao. Talagang dina-drown ko 'yung sarili ko with trabaho and friends para lang hindi ko maiisip masyado 'yung nangyari.
"At least ngayon ito 'yung nangyari kasi kung pinatagal ko or natuloy 'yung mga plano with everything siguro mas mahihirapan kami at lalo pang masakit.
"It's a mutual thing na nag-usap na kami pero kailangan ko aminin sa lahat din para 'di na rin maging tanong, it came from me talaga. Hanggang doon na lang po. Mayroon lang po siguro problema ako with myself, personal na hinahanap ko sa sarili ko. I guess I really had to decide kaysa masaktan ko pa lalo ang tao. Walang third party, all on me."
Si Joem Bascon ay isa sa mga magling na actor na kasalukuyang nagtatrabaho sa ilalim ng ABS-CBN's talent management na Star Magic. Siya ay naging kilala dahil sa pagganap sa ilang mga pelikula at teleserye katulad ng The Good Son, Ang Probinsiyano, The Legal Wife, at Heneral Luna.
COMMENTS