Isang Sikat Na Singer, Nagpatayo Ng Resto Kung Saan Makakakain Ng Libre Ang Mga Mahihirap

Hindi na rin kataka-taka para sa ibang mga kustomer na makita ang sikat na rockstar sa restoran.


Marami sa mga sikat na celebrities ang nag-iinvest sa iba't ibang mga negosyo upang hindi basta mawala ang kanilang pinaghirapang pera. Karaniwan na sa kanila ang may iba't ibang klase ng negosyo upang kapag nagretiro na sila sa kanilang trabaho, ito naman ang pagtutuunan nila ng pansin. Gayunpaman, hindi lang pagpapalago ng kayamanan ang laging iniisip ng ibang mga sikat na celebrities.

Isa sa mga sikat na celebrities na ito ay ang rockstar na si Jon Bon Jovi. Nagpatayo siya ng isang restoran na tinawag na "Soul Kitchen".

Ngunit hindi gaya ng ibang karaniwan restoran na itinayo bilang negosyo, ang restoran na ito ni Bon Jovi ay para makakain ang mga taong nangangailangan ng libre o kaya naman, puwede silang mag-volunteer kapalit ng kinain nila.


Sa iba naman na gusto pa ring magbayad, hinihilingan sila ng dalawampung dolyar bilang donasyon. At sa restorang ito, magkakasamang kumakain sa isang mahabang lamesa ang mga kustomer na estranghero sa isa't isa.

Unang nagbukas ang Soul Kitchen sa New Jersey, kung saan isinilang si Bon Jovi. Simula noon, nakapagpakain na sila halos 100,000 kataong nangangailangan.



Batay sa layunin ng kakaibang restoran na ito, ang lahat at maaaring magpunta sa kanilang restoran. Dito ay makakakain sila ng mga pagkain at sangkap na lokal sa lugar na iyon, at dignidad at respeto ay laging kasama sa kanilang menu.

Sinabi pa ni Dorothea, isa sa mga nagtatrabaho sa restorang Soul Kitchen, na parang isang komunidad ang loob ng restoran. Ang mga tao ay pumapasok at pumipili ng gusto nilang pagkain, umuupo sa isang magandang lamesa kasama ang ibang mga taong hindi nila kakilala ngunit lahat ay pare-parehas na karanasan sa pagpunta sa restorang iyon.



Hindi na rin kataka-taka para sa ibang mga kustomer na makita ang sikat na rockstar sa restoran. Paminsan minsan, si Bon Jovi mismo ang nagluluto ng pagkain para sa mga kustomer nila.

Kaya naman ang restorang ito na ipinatayo ni Bon Jovi ay nagpapakilos din naman sa mga tao sa komunidad nila na tumulong din sa mga nangangailangan.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Sikat Na Singer, Nagpatayo Ng Resto Kung Saan Makakakain Ng Libre Ang Mga Mahihirap
Isang Sikat Na Singer, Nagpatayo Ng Resto Kung Saan Makakakain Ng Libre Ang Mga Mahihirap
Hindi na rin kataka-taka para sa ibang mga kustomer na makita ang sikat na rockstar sa restoran.
https://1.bp.blogspot.com/-G7yvdjHkUFw/XeQwy4wlNLI/AAAAAAAB4D0/yvFBaHeCU1sFB-8LXo2g_p5oddIAiD65wCLcBGAsYHQ/s640/resto%2Bbon%2Bjovi.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-G7yvdjHkUFw/XeQwy4wlNLI/AAAAAAAB4D0/yvFBaHeCU1sFB-8LXo2g_p5oddIAiD65wCLcBGAsYHQ/s72-c/resto%2Bbon%2Bjovi.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/isang-sikat-na-singer-nagpatayo-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/isang-sikat-na-singer-nagpatayo-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy