Kamakailan lamang nga ay kumalat ang video ng isang foreign vlogger na bumisita sa Pilipinas nito lamang.
Sa ating henerasyon ngayon, ang social media ang isa sa mga pinaka uso dahil ito nga ay nakakapagbigay ng maraming benepisyo sa maraming tao. Kaya naman hindi nakakapagtaka na maraming tao, kahit ang mga sikat na artista, ay ginagawa lahat ng kanilang makakaya para lamang makalikom ng maraming followers at subscribers sa kanilang mga social media accounts dahil sila ay maaaring kumita dito.
Dahil dito, marami na sa atin ang alam sa salitang "vloggers". Madalas nating nakikita ang mga vloggers sa iba't ibang social media platforms dahil sa kanilang mga make-up tutorial, house tours, trave vlogs, food vlogs, at marami pang iba na talaga namang nakakakuha tayo ng kaalaman at natututo din tayo kung paano natin magagawa ang isang bagay na hindi natin alam gawin.
Kamakailan lamang nga ay kumalat ang video ng isang foreign vlogger na bumisita sa Pilipinas nito lamang. Siya din ay nagkaroon ng ilang guestings at singing projects sa bansa.
Siya ay may username na Jamie Zhu Vlogs sa kaniyang YouTube channel na ngayon ay mayroon ng mahigit sa 97,000 subscribers. Ang video na kaniyang ginawa ay umabot na sa mahigit na 290,000 views.
Sa kaniyang video, ipinakita lamang niya ang mga activities na kaniyang gagawin sa buong araw at pati na rin ang kaniyang hotel accomodations ay ipinasilip din niya. Ngunit, ang pumukaw ng atensyon sa maraming mga netizen ay ang kaniyang pagtanggap na ginawa sa pagtanggap na challenge na binigay sa kaniya ng isang netizen kung saan dapat niyang makuha ang numero ng artista na si Jessy Mendiola at siya ay makakatanggap ng Php5,000 na naging Php30,000 kinalaunan.
Ngunit, dahil hindi niya nakuha ang numero ng Kapamilya actress kahit na ito ay nakausap na niya, gumawa ito ng paraan kung saan tinanggap nito ang kaniyang pants sa harap ng actress.
Bagamat hindi nakatingin si Jessy sa ginawa ng foreign vlogger, marami naman sa ating mga netizens ang nadismaya at sinabing maaaring patulan ng partner ni Jessy na si Luis Manzano ang vlogger kung sakaling makita man niya ito.
Hinangaan naman ng maraming netizen si Jessy dahil sa kaniyang pagiging tapat at totoo sa nararamdaman para sa kasintahan. Sinasabi din ng ilang mga netizen na ang ginawa ng vlogger ay hindi maganda para sa isang lalaki na tanggalin ang damit nito sa harap pa mismo ng babae.
Ang kaniya ding ginawa ay bastos partikular na sa Pilipinas kung saan ang mga kababaihan ay dapat ginagalang.
COMMENTS