Isang Basurero, Pinasalamatan Ng Anak Matapos Makapagtapos Sa Kolehiyo Kahit Sobrang Hirap Ng Buhay Nila

Ang kaniyang pagtatrabaho ng ilang dekada ay kamakailan lamang ay nasulit dahil napagtapos na niya ng kolehiyo ang isa sa kaniyang mga anak.


Alam nating lahat na gagawin ng ating mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya upang mabigyan lamang tayo ng magandang kinabukasan, kahit pa ang kapalit nito ay ang hirap na kanilang daraanin at mga sakripisyo na kailangan nilang gawin.

Katulad na lamang ng tatay na si Cristito Quimaldo, 54 taong gulang, na pinatunayan ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagtatrabaho nito bilang isang basurero sa loob ng dalawang dekada.

Sa loob ng dalawampu't taon, gigising na si Tatay Cristito ng 3 ng umaga araw araw para lamang makapagtrabaho ng 4 ng umaga.


Kumikita lamang siya ng 500 pesos sa kaniyang pangongolekta ng basura. Ngunit sa kabila ng maliit na kita, nagawa niya pa ding mapag-aral ang kaniyang apat na anak.

Aniya, “Mahirap, andyan lahat. Masugatan ka, halo-halo kasi minsan may mga bubog. Lahat ng klase ng basura, ginagawa ko para sa pamilya ko.”

Ngunit, mayroon ding pagkakataon na ang kaniyang kinikita ay hindi sapat para sa kanila.

“Mahirap, kasi marami akong anak. Pero kahit mahirap, kinakaya ko. Minsan wala kaming makain.”


Ngunit, dahil sa kahirapan na nararanasan, ito ang nag uudyok kay Tatay Cristito upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang mga anak, partikular na ang makapagtapos sila ng  kanilang pag-aaral.

“Hanggat malakas ako, pipilitin kong makapagtapos silang lahat. Yung pag-aaral nila hindi ko pinababayaan kasi yun lang yung ano ko sa kanila—makatapos sila.”

Ngunit, ang kaniyang pagtatrabaho ng ilang dekada ay kamakailan lamang ay nasulit dahil napagtapos na niya ng kolehiyo ang isa sa kaniyang mga anak nitong April ngayong taon. Ang kaniyang anak na babae na si Jenny Rose ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science degree in Nutrition and Food Technology.


“Minsan, pumapasok akong walang baon, pero nagpapasalamat ako sa Diyos na siya ang tatay ko kasi marangal ang trabaho niya. Wala siyang ginagawang ilegal,” pagbabahagi ni Jenny Rose.

Hindi din kinakahiya ni Jenny Rose ang trabaho ng kaniyang ama bagkus ay proud na proud pa siya sa kaniyang ama dahil nagagawa nitong mabigay ang kanilang pangangailangan kahit ito ay basurero lamang.

“Pag tinatanong ng tao, ‘Anong ginagawa ng tatay mo?’ Sumasagot yan, ‘Basurero!’ Hindi siya nahihiya,” saad ni Tatay Cristito.



Dahil ang kanilang kwento ay naitampok sa isang programa sa GMA News na DigiDokyu, isang international non-profit group naman ang nag-alok ng tulong sa pamilya.

“He told me that he and some of his concerned friends are willing to help us. And now that we met, words are not enough to express our gratitude for the help he has given us, including his friends.”

Ang non-profit group na Lifted International ay nais matulungan ang pamilya upang makaahon ito sa kahirapan at sa gayon din ay hindi na gaanong mahirapan si Tatay Cristito sa pagtatrabaho para mapag-aral ang mga anak.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,350,Tips,60,Trending,368,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Basurero, Pinasalamatan Ng Anak Matapos Makapagtapos Sa Kolehiyo Kahit Sobrang Hirap Ng Buhay Nila
Isang Basurero, Pinasalamatan Ng Anak Matapos Makapagtapos Sa Kolehiyo Kahit Sobrang Hirap Ng Buhay Nila
Ang kaniyang pagtatrabaho ng ilang dekada ay kamakailan lamang ay nasulit dahil napagtapos na niya ng kolehiyo ang isa sa kaniyang mga anak.
https://1.bp.blogspot.com/-Ppf2mCCFZXE/Xem_Hgrin3I/AAAAAAAB4ho/CQQtSVCm7uM1O512LDSfks5FLYdNbukEACLcBGAsYHQ/s640/tatay%2Bmerriam%2Bstory.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-Ppf2mCCFZXE/Xem_Hgrin3I/AAAAAAAB4ho/CQQtSVCm7uM1O512LDSfks5FLYdNbukEACLcBGAsYHQ/s72-c/tatay%2Bmerriam%2Bstory.PNG
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/isang-basurero-pinasalamatan-ng-anak.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/isang-basurero-pinasalamatan-ng-anak.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy