Isang Japanese daddy ang naisip na lamang na magpa print at gumawa ng isang cardboard kung saan makikita ang katawan at mukha ng kaniyang asawa.
Kadalasan, ang ating mga anak ay madalas na hinahanap ang kanilang mga nanay, partikular na kapag ito ay matagal nawala sa kanilang piling. Dahil sa matagal na oras na hindi nakikita ang kanilang mga nanay ito ay nagiging sanhi ng pag-iyak ng mga bata.
Ang mga tatay naman ay walang magagawa kung hindi patahanin at libangin na lamang ang kanilang anak upang matigil na ito sa pag iyak. Ngunit, ito ay panandalian lamang dahil makalipas muli ang ilang oras ay hahanapin na naman nila ito at magsisimulang umiyak.
Kaya naman nakakaisip ng iba't ibang paraan ang mga tatay upang mapatahan ang kanilang anak. Katulad na lamang ng ibinahaging paraan na ito ng isang magulang.
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Facebook page na Pregnancy and Parenting ang isang kakaibang paraan kung paano mapatigil ang mga bata sa pag iyak dahil sa paghahanap sa kanilang mga nanay.
Ayon sa post ng Facebook page, isang Japanese daddy ang naisip na lamang na magpa print at gumawa ng isang cardboard kung saan makikita ang katawan at mukha ng kaniyang asawa. Ang cardboard ay kaniyang ipinapakita sa kaniyang anak tuwing umaalis ang kaniyang asawa o di kaya ay may ginagawa upang mapatahan ang kanilang anak.
Ang kaniya namang naisip na paraan ay talagang gumana dahil makikita sa mga larawan kung gaano kasaya ang mukha ng bata sa cardboard ng kaniyang ina.
Marami naman sa ating mga netizens ang nakakuha ng ideya na kanilang gagawin kapag ang kanilang anak ay umiiyak tuwing hinahanap ang kanilang nanay. Ang ilan sa kanila ay sinasabi na ang paggawa ng mommy cardboard ay makakatulong at kinakailangan nila para sa kanilang anak.
COMMENTS