Nagbahagi si Brion ng tatlong paraan para hindi magkarelasyon kaagad ang mga bata sa murang edad.
Kamakailan lamang, ibinhagi ng isang netizen na si Dorcas Lledo Brion sa kaniyang socmed account ang paraan ng kaniyang partner para masiguro na hindi magkakaroon kaagad ng karelasyon ang kanilang dalawang anak ng wala pa sa tamang oras at panahon.
Ayon sa post ni Brion, kahit pa man 5 taong gulang pa lamang ang kanilang panganay na si Faith at 4 taong gulang naman si Hope, ay nais na nilang masiguro na hindi kaagad magkaroon ng karelasyon ang dalawang anak sa murang edad.
Binahagi din ni Brion ang ginawa ng kaniyang asawa na si Mark sa kanilang mga anak.
Saad niya na binilhan ng kaniyang asawa ang dalawa nilang anak ng kwintas nang sila ay napadaan sa Sta. Rosa Nuvali. Matapos nito, lumuhod naman si Mark sa harap ng dalawang anak na tila ba ito ay nagpopropose sa dalawa at pinaliwanag din ng asawa kila Faith at Hope ang rason bakit heart ang disenyo ng pendat ng kwintas at kung bakit sila binibigyan nito.
Nagbahagi din si Brion ng tatlong paraan para hindi magkarelasyon kaagad ang mga bata sa murang edad:
1. SPEAK THEIR LOVE LANGUAGE
Ayon sa kaniya, ang mga magulang ang siyang may responsibilidad para madiskubre at malaman kung ano ang love language ng kanilang mga anak. Dagdag pa niya na siya ay nakakatiyak na hindi na hahanap pa ang mga bata ng karelasyon sa labas kung ang kanilang love tank ay napupuno sa kanilang tirahan at pamilya.
Hindi na sila masasabik mabigyan ng mga bulaklak, masabihan ng maganda, makapag-date, magkaroon ng kaholding hands, at magkaroon ng isang tao na maniniwala, makikinig, at magpapakita ng concern sa kanila dahil ito ay napupunan at naibibigay na ng kanilang mga magulang.
2. BE INTENTIONAL
Sinabi naman ni Brion na nararapat lamang magbigay ng oras ng isang magulang para sa kanilang mga anak dahil kinakailangan ng mga anak ng oras at atensyon ng kanilang mga magulang.
3. LEAD THEM CLOSER TO GOD
Sinabi ni Brion na ang paraan na ito ay isa sa mga pinakamahalagang paraan na hindi dapat nila makalimutan. Dagdag pa niya na dapat siguraduhin ng isang magulang na ang kanilang mga anak ay mas nabubuhos ang kanilang pagmamahal at sila ay inlove sa Panginoon.
Sa dulo ng post ni Brion sinabi niya na hindi madaling gawin ang tatlong paraan na ito, ngunit maaari naman tayong humingi ng tulong para magawa lahat ng dapat gawin ng isang magulang para sa kanilang anak.
Narito ang buong post ni Brion:
COMMENTS