Masayang ibinahagi ng celebrity couple ang ipinatayo nilang farmhouse sa Batangas.
Buhay Probinsiya – isang uri ng pamumuhay na simple at malayung malayo sa kalagayan ng naglalakihang lunsod. Dito makikita ang mga uri ng bahay na maliit at simple, nagyayabungang mga pananim at pastulan ng mga hayop.
Lahat tayo ay gustong tumira sa mapayapang lugar kaya naman marami ang bumabalik pa rin sa probinsiyang kanilang pinagmulan bagaman nakatira na sa malalaki at mauunlad na lungsod.
Ganiyan ang uri ng pamumuhay na sinikap matamo nina Gwen Zamora at David Semerad.
Sa kanilang IG account, masayang ibinahagi ng celebrity couple ang ipinatayo nilang farmhouse sa Batangas.
Tinawag nila ang farmhouse na ito na Semerad Cabin. Makikita sa larawang kanilang ibinahagi ang unti-unting pagbuo sa farmhouse hanggang sa malapit ng matapos na ito.
Makikita din ang pagkakagawa sa mismong bahay nila na talagang pang-probinsiya ang dating, isang bahay na hindi mo aakalain na pag-aari mga sikat na atleta at artista.
Tanaw din sa lugar ng celebrity couple ang mabeberde at magagandang view sa paligid nila. Sina Gwen at David din mismo ay hands-on sa pagpapagawa ng kanilang farmhouse at nakikibahagi sila sa pagdidisenyo nito.
Itinuring naman nila na isa itong panibagong blessing para sa kanilang dalawa.
Masayang binati naman ng mga kamag-anak, kaibigan, fans at ng mga netizens ang magandang farmhouse nila Gwen Zamora at David Semerad.
Marami din naman ang natuwa na pinili nilang magkaroon ng simple at payak na pamumuhay sa Batangas. Makikita din naman sa mga larawan na ibinahagi nila na talagang masaya sila sa ipinatayo nilang farmhouse at excited sila na matapos na ito.
Matatandaan na noong Nobyembre 2018, naging magkasintahan sina Gwen Zamora at David Semerad. Masaya rin nilang ibinahagi ang pagdadalang tao ni Gwen noong April 2019 at naging engaged sila noong May 2019 din.
Ipinangak naman ni Gwen ang kanilang anak na si Baby Cooper, isang buwan bago nila pasimulan ang konstruksyon ng kanilang farmhouse.

COMMENTS