May isa pa palang 'Third Party' o kabahagi ng pagsasama ng mag-asawa para manatiling maligaya at matagumpay sila.
Sa buhay mag-asawa, inaasahan na magiging tapat sila sa isa't isa habang sila ay nabubuhay. Ang kanilang pangako na sila lamang hanggang sa huli ay hindi lamang hanggang sa loob ng ilang panahon kundi pang-habambuhay. Gayunpaman, posible pala na sa pag-aasawa ay magkaroon ng tinatawag na 'Third Party'.
May mga 'Third Party' na nakakasira ng pagsasama ng mag-asawa. Kapag nakadama ng pag-ibig sa iba ang asawang babae man o lalaki, o kaya naman maghanap sila ng bagong pag-ibig na magmumula sa ibang tao, ito ang nagiging dahilan ng malungkot na buhay mag-asawa at masaklap pa, ang pagkasira ng kanilang pamilya.
Gayunpaman, may isa pa palang 'Third Party' o kabahagi ng pagsasama ng mag-asawa para manatiling maligaya at matagumpay sila. Iyan ang 'Third Party' na tinaglay ng artistang si Dimples Romana at ng kaniyang asawa na si Boyet Ahmee.
Sa isang socmed post, ibinahagi ni Dimples Romana ang kaligayahang dulot ng pagsasama nilang mag-asawa anupat umabot na sila sa kanilang ika-15 anibersayo. At sa loob ng 15 taong pagsasama nila, biniyayaan sila ng 2 anak na sina Callie at Alonzo.
Sa nasabing post, sinabi ng aktres na napatunayan niya na nahanap niya ang kaniyang "The One" sa bawat oras na ginugol nila bilang mag-asawa.
Sa kabila ng iba't ibang unos, nanatili pa ring matatag ang kanilang mag-asawa. At bukod pa sa pagsisikap nilang mag-asawa na lampasan ang bawat problemang kinakaharap nila, meron pang isa na kasama nila.
Sinabi ni Dimples na nagpapasalamat siya dahil isinama nila sa kanilang pagsasamang mag-asawa ang Diyos. Ito ang 'Third Party' na sinasabi niya na nakapagpapalusog sa kanilang pagsasama.
Kahit pa mawalan ng pag-asa at pananampalataya sa pagitan nilang mag-asawa, ang Diyos na kasama nila ay puno ng pag-asa at pag-ibig. Ito ay tumutulong sa kanila na mapanatili ang pagsasama nila at tumagal pa ng mahabang panahon.
COMMENTS