Makikita na inuunti-unti niyang tinatanggal ang mga mala-tinik na buhok nito hanggang sa mabalatan na niya ito.
Hindi naman kataka-taka kung maninibago tayo sa pagkain ng mga prutas na hindi natin kilala. Baka hindi pa natin ito nakita kailanman o kaya naman, kapag nagpunta tayo sa ibang bansa, may mga prutas doon na wala sa Pilipinas kaya naman talagang hindi tayo pamilyar kung paano natin kakainin ang naturang prutas na iyon. At malamang, sa umpisa ay mangmang pa tayo kung paano natin iyon mababalatan at kakainin.
Ganiyang ang nangyari sa isang amerikano na unang beses pa lang naka-encounter ng prutas na rambutan.
Sa post ni Gavin Smith sa Tiktok, makikita na hindi pa siya pamilyar sa prutas na ito anupat para matanggal niya ang balat ng ‘kakaibang’ prutas na ito, gumamit siya ng peeler o pambalat ng gulay o prutas sa halip na alamin sa internet ang tamang pagbalat dito.
Makikita na inuunti-unti niyang tinatanggal ang mga mala-tinik na buhok nito hanggang sa mabalatan na niya ito. Gumamit naman siya ng kutsilyo at hinati ito sa gitna kasama pati ang buto nito.
Sa sumunod naman na video sa Tiktok, hindi na siya gumamit ng peeler pero gamit naman ang isang kutsilyo, hinati niya ang rambutan sa gitnag bahagi at pagkatapos ay piniga ang katawan nito upang lumabas ang mismong prutas. Sinubo naman niya ang naturang prutas at kinain kasama na ang buto nito. Pero sinabi pa rin niya na nagustuhan niya ang lasa kahit kakaiba ang itsura nito.
Ang video ni Gavin Smith ay inupload at kumalat sa Twitter. Marami sa mga taga-South East Asia ang nag-react at hindi gaanong natuwa sa video na ito.
May mga nagsabi na masakit sa mata ang ginawa ng amerikanong ito at na nakakawala ng respeto ang ginawa niya para sa mga pamilyar sa prutas na ito. Marami rin ang nagsabi na mali ang paraan niya sa pagbukas nito.
Sa isa pang video ni Gavin Smith, makikita na kumain naman siya ng Longan. Tama naman ang paraan niya ng pagbukas dito pero tinawag naman niya itong “berries”.
COMMENTS