Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa kaniyang IG account ang tungkol sa kaniyang pinakabagong nakamit.,
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial sa kaniyang IG account ang tungkol sa kaniyang pinakabagong nakamit.
Noong Miyerkules lamang, December 18, ay ibinahagi ng Kapamilya actress sa kaniyang Instagram account na kaniya nang natupad ang matagal na na pangarap na magkaroon ng kaniyang sariling bahay.
Sa larawan na kaniyang ibinahagi, makikita na kasama niya ang kaniya ina at kapatid kung saan sila ay nakangiti sa larawan sa loob ng kanilang bagong bahay.
Saad ng 'Taiwan That You Love' actress sa kaniyang caption,
"Dream come true! And I still can't believe it. Bago matapos ang 2019.. I finally have my own house!"
Ibinahagi din ng actress na tinawag na "The Doll along the Riles of Albay" sa loob ng Pinoy Big Brother dahil ang kaniyang pamilya ay dating naninirahan malapit sa railway tracks noon sa Daraga, Albay, na hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa bagong blessing na kaniyang natanggap bago matapos ang 2019.
Pagpapatuloy niya,
"Ang tagal ko pinaghirapan at pinag ipunan ko to, thank you Lord! Thank you to everyone na nag tiwa sakin from PBB, Showtime, RSB shows, MMK, iWant, movies, mallshows, endorsements, at syempre sa mga supporters ko. Thank you dahil sainyo napasaya ko ang family ko. Merry Christmas indeed!"
Ibinahagi din naman ng talent agency ng actress, ang Thess Gubi, at ang PR head ng Stat Magic ang ilang larawan ng bagong bahay ni Barbie sa kaniyang Instagram page noong December 2017. Aniya,
"Indeed a happy Christmas for [Barbie] and her family!"
Noong October naman ay sinabi ng actess sa kaniyang panayam sa 'Magandang Buhay; na siya ay kasama na sa mga young local celebrities na nagsisimula na ding tahakin ang ibang business.
Siya ngayon ay isa sa mga may-ari ng resto ang bar na Tipsy Pig kasama ang pinsan at isa din sa may-ari ng business na si Marco Gumabao.
COMMENTS