Angel Locsin At Isa Pang Pinoy Negosyante, Kasama Sa Forbes' List Bilang Most Generous Donor Sa Asya

Napangalanan si Angel Locsin kasama na rin ang second-generation tycoon na si Hans Sy sa nagdaang Forbes' 13th annual Heroes of Philanthropy list.


Kamakailan lamang ay naiulat na nagbigay ng donasyon ang aktres na si Angel Locsin para sa kawanggawa at mga adbokasiya para sa pagbabago ng ating lipunan.

Napangalanan si Angel Locsin kasama na rin ang second-generation tycoon na si Hans Sy sa nagdaang Forbes' 13th annual Heroes of Philanthropy list nito lamang kung saan kanilang itinampok ang "30 outstanding altruists" sa Asia-Pacific.

Kinikilala sa nasabing listahan ay ang mga negosyante at ilan sa mga personalidad na nais makagawa ng pagkakaiba at pagbabago sa isyu na kinakaharap ng ating lipunan ngayon.


Inilabas naman ng Forbes ang bagong listahan kamakailan lamang, kung saan ipinakita din nila ang pera na ibinigay ng mga kilalang personalidad pati na rin ang kanilang paglahok dito sa iba't ibang mga kadahilanan. Saad ng Forbes,

"Our aim is to highlight those giving their own money, not their company’s (unless they are the majority owners of a privately-held firm)."


Kinilala naman ng Forbes ang sikat na aktres na si Angel Locsin dahil sa nasa Php1 milyon na pera na kaniyang ibinigay bilang donasyon sa nasabing programa at ang kaniyang pagbibigay ng mga relief goods sa mga residente na naapektuhan sa naging pagtama ng malakas na lindol sa Mindanao noong October.

Sinabi rin ng global magazine na ang 34 taong gulang na aktres ay personal ding tumulong at nagbigay ng pangangailangan ng mga tao na naging biktima ng Marawi siege noong taong 2017,

"Locsin, whose mother was adopted by a family from the island, has long helped the region, which has been riven by sectarian strife for decades."


Ayon sa Forbes, si Locsin ay nag-donate ng nasa halagang Php15 milyon sa nagdaang taon at buwan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholarships sa mga mahihirap na nais mag-aral at ang kaniyang pagtulong sa mga nagiging biktim ng kalamidad na tumatama sa banda habang kaniya ding inilalakad ang karapatan ng mga indigenous people at labanan ang karahasan laban sa mga bata at kababaihan.

Tunay nga na masasabi na isang "Darna" talaga ang aktres dahil sa kaniyang kabaitan at pagiging maalalahanin sa kapwa. Isa din siya sa mga nagpapatunay na hindi naman lahat ng superhero ay kinakailangan magkaroon ng costume o di kaya ay kapa.


Nagagawa ding bumisita ng aktres sa ilang komunidad sa bansa upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan kahit simpleng mga damit at relief goods lamang ng walang kahit anong media na nakasunod sa kaniya na nirerecord ang kaniyang ginagawang pagtulong.

Ang second-generation tycoon naman na si Hans Sy ng SM Group ay nabanggit din sa listahan ng Forbes. Si Sy, na kasalukuyang nakaupo bilang chairman at director ng SM Prime Holdingsm ay nakilala din sa kaniyang pagtulong at pagbibigay ng donasyon para naman sa pagtayo ng Child Haus, isang establisyemento para sa mga batang may c4ncer at sa kanilang mga caregivers.


Si Sy kasama na rin ang kaniyang mga kapatid sa kaniyang yumaong ama na si Henry Sy, Sr. ay ang siyang nanguna sa bagong listahan na inilabas ng Forbes bilang pinakamayaman na Pilipino sa bansa na mayroong networth na nasa $17.2 bilyon o nasa Php878 bilyon.

Ayon sa mga ulat, si Sy ay nagbigay ng nasa $400,000 o Php20.4 milyon para sa paggawa ng kauna unahang Child Haus noong 2010, kung saan kasama dito ang panandaliang tahanan ng mga mahihirap na pamilya na galing pa sa probinsya. Ayon naman sa ulat ng Forbes, si Sy ay naging isa din sa mga co-sponsors at nagbigay din ng karagdagang pera para sa Child Haus.

Kasama din sa mga personalidad na nasa listahan ay ang Alibaba founder na si Jack Ma na nagyon ay nagpapatakbo ng isang foundation sa ilalim ng kaniyang pangalan, ang Korean aktres at singer na si IU ay kasama din sa listahan kung saan siya ang pinakabatang personalidad na nasa listahan sa edad na 26, si Azim Premji, ang chairman at founder ng Indian tech firm Wirpo at si Jeffrey Cheah, ang chairman naman ng Malaysia's Sunway Group.


Kasama rin ang founder ng Triputra Group na si Theodore Rachmat, Judith Neilson, ang founder naman ng JN Projets, ang Group Chariman ng Fortescue Metals na si Andrew Forrest. Pati na rin ang cofounder ng Minderoo Foundation  na si Nicola Forrest, and Long Thanh Golf Investment and Trading Joint-Stock Company's Le Van Kiem at Tran Cam Nhung, ang CEO ng Amorepacific na si Suh Kyung-bae, ang founder ng Hengyu Group na si Gong Junlong. Kasama rin sa 30 na nasa listahan ay ang chairman ng Green City na siWu Yuanzi at ang chair ng Hanking Group na si Wu Yuangang, at kasama rin ang chair ng Hexaware Technologies na si Atul Nishar.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Angel Locsin At Isa Pang Pinoy Negosyante, Kasama Sa Forbes' List Bilang Most Generous Donor Sa Asya
Angel Locsin At Isa Pang Pinoy Negosyante, Kasama Sa Forbes' List Bilang Most Generous Donor Sa Asya
Napangalanan si Angel Locsin kasama na rin ang second-generation tycoon na si Hans Sy sa nagdaang Forbes' 13th annual Heroes of Philanthropy list.
https://1.bp.blogspot.com/-epXP2cjklE4/XecNeTUQktI/AAAAAAAB4PY/senO3YvaA6Qz5C7Ol7OaEFSHDN3_PSvAwCLcBGAsYHQ/s640/Angel%2Blocsin%2Bhelping%2Bforbes.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-epXP2cjklE4/XecNeTUQktI/AAAAAAAB4PY/senO3YvaA6Qz5C7Ol7OaEFSHDN3_PSvAwCLcBGAsYHQ/s72-c/Angel%2Blocsin%2Bhelping%2Bforbes.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/12/angel-locsin-at-isa-pang-pinoy.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/12/angel-locsin-at-isa-pang-pinoy.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy