Ang Film Academy of the Philippines naman ay nagpahayag na ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng aktor sa kanilang Facebook account.
Ayon sa ilang mga ulat, ang aktor na si Mico Palanca ay tumalon diumano sa isang residential area sa Santolan Town sa San Juan noong December 9, 2019, Lunes, sa edad na 41 taong gulang.
Sinasabi na ang aktor ay nakaranas ng sobrang depreson matapos mabigo sa pag-ibig kaya pinili na lamang nitong tapusin ang sakit at paghihirap na kaniyang dinarama.
Sa kabilang banda, nagbigay na din ng pahayag ang pamilya ni Mico at sinabi na sila ay nagpapasalamat sa suporta at pagmamahal na ibinibigay ng mga tao sa aktor hanggang ngayon, ngunit sa ngayon ay hiling nila na sana ay mabigyan sila ng privacy dahil sa kanilang kinakaharap na mahirap na pagsubok ngayon.
Saad ng pamilya,
"We are extremely saddened by the sudden passing of our beloved brother, Miko Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today."
"As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time. Again, we appreciate all the love and support – thank you so much."
Ang Film Academy of the Philippines naman ay nagpahayag na ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng aktor sa kanilang Facebook account.
Marami din sa ating mga netizens ang nalungkot sa pangyayari at nagbigay din ng pakikiramay sa actor. Ang ilan naman sa kanila ay nagulat sa balita at sinabing hindi nila inaasahan ang pagkamtay ng aktor.
Si Mico Palanca ay sikat at kilalang aktor. Isa din siya sa mga artista na mayroong natatanging galing sa pag-arte. Kaniya ng nakasama ang ilan sa mga sikat na personalidad katulad nina Jodi Sta. Maria, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, at iba pa.
Si Mico Palanca ay kapatid ng actor na si Bernard Palaca at siya din ay isa sa mga apo ng aktor na si Armando Goyena.
COMMENTS