Isa nanamang inspirasyon ng mga kabataan ang trending na istorya ni Kezia Keren Ambag matapos nyang masungkit ang pagiging Topnotcher sa katatapos lamang na Licensure Examination for Teachers.
Si Kezia Keren Ambag ay isang proud to be graduate ng tinatawag na ALS Program o Alternative Learning System. Ang programang ito ay naglalayon na makabalik ang ibang kabataan sa pag aaral base sa kanyang edad na pwedeng maiskipan o mapunan ang mga taon kung saan sya nararapat.
Halimbawa, biglang huminto ang isang indibidwal ng Grade 6 dahil sa kahirapan at imbis na Grade 6 ulit ang kanyang babalikan ay pwede syang makibahagi sa ALS program. Sa pamamagitan ng ALS ay kung sakaling maipasa nya ang mga pagsusulit nito ay maaari na syang makagraduate ng hayskul, advance kumbaga.
Nang makatapos sya sa ALS program ay itinuloy nya na ang kanyang kolehiyo sa Philippine Normal Mindanao sa kursong Bachelor of Elementary of Education. Sa nasabing kolehiyo nya na din sya nagtapos. Walang patumpik tumpik ay nagsunog na ulit sya ng kilay para sa LET. Nag aral syang mabuti at nagbunga naman ang lahat ng kanyang pagttyaga.
Nakapagtamo lang naman sya ng 92.60%.Super proud ang mga netizens sa pagsusumikap ng batang jto. Siya lang dn naman ang itinanghal na topnotcher ng LET.
Bukod sa dalawang katie breaker nya ay sya pa dn ang nag standout para sa mga netizens dahil ALS Alumni sya.
Para sa mga kabataan dyan ay magsilbi sana si Kezia. Tularan ninyo sya dahil sa kanyang kasipagan at katyagan.
Balang araw ay makakamit nyo din ang inyong minimithi basta ikaw ay masipag at may determinasyon para sa inyong mga pangarap. Mabuhay ka Keiza!
COMMENTS