Sa kaniyang IG post, ibinahagi ni Kylie ang picture mung saan kinakantahan siya ni Aljur habang nagli-labor.
Ang musika ay talaga namang nakapagpabuti ng ating damdamin at nakapagpapasaya ng puso. Kaya naman, pumipili tayo ng mga musika na masarap pakinggan. Sa pakikinig sa ganitong uri ng mga musika, nakakadama din tayo ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.
Epektibo din naman ito kahit sa panahon naman ng pagbubuntis. Marami sa mga buntis ang nakikinig sa magagandang musika para mapakinggan ng sanggol na dala-dala niya sa kaniyang sinapupunan.
At bagaman nasa sinapupunan ng ina, ang sanggol ay nakikinig at nag-eenjoy din sa pakikinig gaya natin. Ang baby din ay napapayapa at napapanatag. Nadarama din nila na mahal sila ng kanilang magulang.
Ganiyan ang ginawa ni Aljur Abrenica para sa pangalawang baby nila ni Kylie Padilla.
Sa kaniyang IG post, ibinahagi ni Kylie ang picture mung saan kinakantahan siya ni Aljur habang nagli-labor. Ibinahagi din niya ang isang video kung saan mapapanood na kinakantahan siya nito.
Sabi ni Kylie na nasa ibang kuwarto si Alas, na panganay nilang anak habang nanood ng paboritong nitong Disney movie na Coco. Sinabi din niya na habang nagli-labor siya, hinilingan niya ang kaniyang asawa na si Aljur na kumanta para sa kaniya. Kapag naririnig niya ang tinig ng kaniyang asawa, napapayapa siya hanggang sa sa umabot na sa 9cm at pumutok na ang kaniyang panubigan.
Sabi na niya, Stand by me ang kinanta ni Aljur para sa kaniya. Natatawa pa niyang sinabi, nasusuntok niya si Aljur yamang masakit ang pagli-labor niya.
December 9, 2019 ipinanganak ni Kylie ang pangalawa nilang anak ni Aljur Abrenica. Ang pangalan ng kanilang pangalawang baby ay Axl Romeo.
Nito lamang nakaraan, nagkaroon ng photo shoot ang pamilya nila Kylie para sa paglabas ng bagong baby. Taong 2017 naman ng ipanganak niya ang kanilang panganay na anak na si Alas Joaquin.
Isang kagalakan nga na malusog ang sanggol na iniluwal ni Kylie.
COMMENTS