Narito naman ang ilang mga nakakatuwang pangyayari na nangyari sa ilang mga Pilipina beauty queens habang sila
Karamihan sa atin ay tiyak na ang pagsali sa isang beauty pageant ay isang nakakatakot at nakakakabang gawain dahil na rin sa dami ng mga taong nanonood sa'yo at sa bawal galaw mo. Dahil na rin sa kaba na maaaring madama ng bawat kalahok, may pagkakataon na sila ay nagkakaroon ng mga hindi sinasadyang pagkakamali.
Narito naman ang ilang mga nakakatuwang pangyayari na nangyari sa ilang mga Pilipina beauty queens habang sila ay nasa pageant.
Ngunit kahit na sila ay nakakatuwa, sila din ay nagbigay ng inspirasyon sa marami sa atin dahil ang mga beauty queen na ito ay tinanggap ang kanilang pagkakamali ng buong puso at kanilang kinalimutan na mayroon pa bitbit pa rin ang kanilang tiwala at kumpiyansa sa sarili.
1. Janina San Miguel
Sa unang parte bahagi ng 2008 Bb. Pilipinas contest, nagpakita na kaagad ng galing si Janina San Miguel sa kaniyang pagrampa kung saan siya ay nanalo ng dalawang awards: Best in long gown at Best in Swimsuit.
Siya din ay nakapasok sa Top Ten. Ngunit, siya ay nagsimulang bumagsak nang dumating na ang question ang answer portion. Marahil dulot ng kaba na kaniyang nararamdaman ng mga panahong ito, halos naubos na niya ang kaniyang oras sa pagsagot sa pagbibigay ng katwiran kung bakit siya ay hindi nakasagot sa question and answer portion ng pageant.
Ngunit, sa kabila nito, kaniya pa ring nakamit ang titulo na Bb. Pilipinas World.
2. Miriam Quiambao
Si Miriam Quiambao ay nanalo bilang first runner up ng Miss Universe noong 1999, ngunit bago pa man niya makamit ang kaniyang pagkapanalo, siya muna ay nakaranas ng maliit na kahihiyan.
Habang siya ay naglalakad suot ang kaniyang long gown, hindi sinasadya na matapakan niya ang kaniyang gown na naging dahilan ng kaniyang pagkatisod dito. Ngunit madali namang nabawi ng beauty queen ang kaniyang composure at siya ay nagpatuloy sa paglalakad na tila parang walang nangyari.
3. Jeannie Anderson
Si Jeannie Anderson naman ay tinanong sa question and answer portion ng Bb. Pilipinas, kung ano ang kaniyang pipiliin, maging matalino ba o maging maganda? Ngunit, dahil sa kaba ay nahirapan sumagot ang beauty queen, isama na rin ang mga tawanan ng mga manonood ng mga oras na ito.
Ngunit sa kabila ng pagiging kabado, kaniya pa ding nasagot ang tanong sa kaniya, kung saan sinabi niya na mas pipiliin na lamang niyang maging isang tao na may natural na maganda dahil ang pagiging matalino ng isang tao ay maaaring mapabuti at mahasa sa pamamagitan ng pagiging masipag at pagtitiyaga.
4. Venus Raj
Si Venus Raj naman ay nag viral sa iba't ibang social media platform matapos niyang gumawa ng bagong salita na tinatawag na 'Major Major' noong siya ay sumabak sa answer ang portion ng Miss Universe noong 2010.
COMMENTS