Ang dalawa ay nasa long distance relationship ng dalawang taon dahil nagtatrabaho si Jay bilang isang Overseas Filipino Worker sa Japan.
Ang pag-ibig ay isa na siguro sa pinakamakapangyarihan na instrumento para sa dalawang tao na pinagbubuklod nito. Kahit na maraming mga problema at pagsubok ang dumaan, para sa dalawang taong nagmamahalan ito ay hindi magiging hadlang para matibag ang kanilang pagmamahalan at hanggang sila ay maging matatag at suportahan ang isa't isa ano man ang mangyari.
Kahit na ang pag-ibig ay hindi naman tungkol sa maraming magagandang bagay, nakakatuwa at nakakamanghang karanasan, ang mga problema at pagsubok ay magiging daan para mas tumatag pa ang relasyon ng dalawang tao.
Katulad na lamang ng magkarelasyon na sina Jay Escobar at Rhei Plasencia na nag-viral sa iba't ibang social media platform kamakailan lamang dahil sa kanilang magandang love story na ibinahagi sa Facebook.
Ang dalawa ay nasa long distance relationship ng dalawang taon dahil nagtatrabaho si Jay bilang isang Overseas Filipino Worker sa Japan. Sa loob ng dalawang taon na relasyon, nag-uusap lamang ang dalawa sa pamamagitan ng text at video call hanggang sa dumating na nga ang kanilang pinakahihintay na pagkikita.
Marami naman sa ating mga netizens ang natuwa nang makita ang viral video at nagbahagi din ng iba't ibang reaksyon sa nasabing video.
Sa una, makikita na tila nahihiya pa ang dalawa sa isa't isa ngunit makalipas lang din ang ilang sandli, ang dalawa ay unti unti naman ng nagiging malapit.
Sigurado marami sa atin ang talagang makaka-relate sa love story ng dalawa kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit nag-viral kaagad ang video clip at umantig sa puso ng maraming mga netizens.
In-upload naman ni Jay Escober ang kanilang video sa kaniyang Facebook account na mayroong caption na,
"When you meet someone for the first time, that's not the whole book. That's just the first page, the happiest moment I've ever felt."
Tama nga talaga ang kasabihan na ang pag-ibig ay gagawin at lalabanan lahat ng hadlang kahit na ito pa ay oras at distansya ng dalawang taong nagmamahalan. Siguro nga ay mahirap talagang pumasok sa isang long distance relationship ngunit kung mahal niyo ang isa't isa, hindi magiging hadlang kahit gaano pa kalayo ang distansya basta't dapat lamang ay maging matatag, matapat, at magkaroon ng tiwala sa isa't isa.
Talaga nga namang nakakatuwa ang mga magkakarelasyon na nasa long distance relationship din na kahit ano man ang problema at hirap na kanilang pinagdadaanan sa kanilang relasyon, lahat ng ito ay malalagpasan hangga't ang kanilang kapareha ay nasa kanilang tabi.
Totoo nga ang kasabihan na lahat ng ating sakripisyo ay mayroong kapalit na saya at kaginhawahan, dapat lamang tayong magpatuloy lumaban at hindi dapat sumuko.
COMMENTS