Si Anok Yai ay viral sa ngayon dahil bukod sa pagdedeklara sa kanya na pinakamagandang babae sa buong mundo ay siya din ang pinakamahal na babaeng modelo sa buong mundo.
“Diskriminasyon” ang tawag sa hindi pagkakapantay na pagtrato sa ating kapwa. Sa panahon ngayon, ang diskriminasyon ay isa sa dahilan ng depresyon.
Ang pagkakaiba iba ng kulay ng ating balat ay isa lamang sa mga halimbawa ng tinatawag na diskriminasyon. Pag maputi at makinis ang iyong balat ay siguradong madami ang mahuhumaling at madami ang maiinggit sa iyong balat. Kapag naman maitim ang iyong balat ay siguradong madami ang mang aasar at mangungutya dahil lang sa kulay ng iyong balat.
Ngunit, magugulat kayo dito sa isang babae na mula sa Southern Sudan. Kung makikita nyo sa mga litrato ay talaga namang napaka itim ng kanyang balat. At dahil dito sa kanyang balat, ay alam nyo ba na siya ang tinaguriang pinakamagandang babae sa buong mundo? Siya ay walang iba kundi si Binibining Anok Yai.
Si Anok Yai ay viral sa ngayon dahil bukod sa pagdedeklara sa kanya na pinakamagandang babae sa buong mundo ay siya din ang pinakamahal na babaeng modelo sa buong mundo.
Sinasabi na ang bayad sa kanya sa pagiging modelo ay $15,000 o tumataginting na 780,000 pesos kada oras. Oo, talaga namang napakamahal nya kaya madami ang agency na tumatawag sa kanya para maging modelo ngunit hindi nila kaya ang kanyang presyo.
Kung makikita at mapapansin ninyo din sa kanyang mga larawan ay talaga namang nakakahumaling ang kanyang ganda lalo na kung titignan ninyo ang kanyang hugis ng mukha at mga nangugusap nitong mga mata. Ito ang mga nagustuhan ng mga fashion photographers sa kanya kaya naman ay madali lang nyang madala ang bawat damit na kanyang isusuot.
Sa ngayon, si Anok Yai ay nasa isa sa mga nangungunang modeling agency sa New York. Siya din ang spokesperson ng sikat na mga top brand cosmetics ng Estee Lauder.'
Si Anok Yai ay isa lamang halimbawa na wag natin dapat ikahiya anuman ang kulay ng ating balat bagkus ipagmalaki natin ang ibinigay sa atin. Maputi ka man o maitim ay hindi naman ito ang magdidikta ng kapalaran ng ating buhay.
COMMENTS