Palaging inaabisuhan ang mga tao na maging alerto at magdoble ingat araw-araw.
Sa panahon ngayon ay mahirap magtiwala lalo sa mga sasakyan mong pampublikong sasakyan tulad ng taxi. Palaging inaabisuhan ang mga tao na maging alerto at magdoble ingat araw-araw. Ngayon ay may nabiktima nanaman na komyuter ng isang modus ng isang Taxi Driver sa NAIA. Basahin ang istorya:
Si Ralph Perez ay isang komyuter sa Manila. Galing syang Iloilo at nag aabang na sya ng masasakyan pauwi hanggang sa nakita nya ang isang Bernadell Taxi na may plakang UWN 692. Nang makasakay siya papuntang Metro ay napansin nya na iba ang metrong ginagamit ng taxi driver.
Kakaiba at hindi ito yung normal na ginagamit ng mga taxi. Doon na sya nagtaka at tinanong si Manong Driver kung magkano ang metro per kilometer.
Sagot ng driver, "Sir, ito po ang metro natin. Bale 30 per 1km. 30 po yung flag down. Nasa zero zero po ah."
Tumango nalang si Ralph na inisip nalang nya na baka bagong modelo iyon ng metro. Siningil din sya ng driver ng 20 pesos para sa pagdaan sa skyway at nagbayad naman agad agad si Ralph. Habang binabagtas ang skyway ay nakita nya ang metro na nakaset na sa 44 pesos .
Tanong ni Ralph, “ Manong, paano ko mapapareimburse kung ganyan yan? Magkano yung magiging Per kilometro ko nyan”? Sagot ng driver ay, naturingan na sa office ka nagtatrabaho hindi ka marunong magkompyut.
Sa takot ni Ralph na bumaba sa madilim na daan ay pumayag nalang sya na 300 pesos per kilometer ang ibabayad nya. Hanggang sa kailangan nyang magwithdraw dahil wala syang on hand na cash, pumayag naman ang driver.
Napansin ni Ralph na ayaw huminto ng drayber sa atm booth na may mga pulis, bagkus ibinaba sya sa isang madilim na lugar na may atm booth na walang bantay na pulis. Bumaba si Ralph at palihim nyang kinuha ang cellphone nya at tumawag sa mga emergency numbers tulad ng 911 at 888 ngunit walang sumasagot. Paunti unti nalang syang naglakad ng palihim para hindi mapansin ng driver.
Nakatakas naman sya umano sa mapang abusong drayber na ito.
Nawa ay maresolbahan ang ganitong uri ng senaryo dahil nakasalalay dito ang safety ng mga tao.
Narito ang kabuang post nu Ralph:
COMMENTS