Sa kabila ng kontrobersiyal na kinakaharap ng darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas kung saan marami sa mga kalahok ng iba't ibang bansa
Sa kabila ng kontrobersiyal na kinakaharap ng darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Pilipinas kung saan marami sa mga kalahok ng iba't ibang bansa, katulad na lamang ng women's football team, ang hindi nabibigyan ng magandang accomondation at binibigyan ng kikiam bilang kanilang pagkain, mayroon pa din namang ibang kalahok sa Athlete's Village sa New Clark City ang hindi nakakaranas ng katulad sa nangyari sa ibang kalahok.
Samantala, si Poch Jarolan, na may-ari ng Everybody's Cafe, ay ang siyang itinalaga upang maging parte ng culinary team sa Athlete's Village.
Sa Facebook account naman ni Jarolan, ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanilang Halal-approved kitchen, kasama na rin ang ilang mga pagkain na kanilang ibibigay sa mga atleta na talaga namang mga pang world-class.
Saad niya sa kaniyang Facebook post noong November 24,
"When you are brought to that level to prepare food and feed world-class athletes, the facilities and standards also have to be at par."
Ibinahagi din niya ang ibinigay nilang tanghalian para sa mga manlalaro noong November 24 kung saan ito ay binubuo ng masasarap at pang world-class na pagkain katulad na lamang ng sotanghon, lemon cucumber juice, pizza, at egg sandwich.
Sa isa din niyang post, ibinahagi din ni Jarolan ang ibinabahagi nilang freshly-baked breads para sa mga atleta araw-araw.
Samantala, sa naging panayam naman ng sikat na Chef na si Bruce Lim, ibinahagi niya na lahat ng mga pagkain na kanilang ibibigay sa mga atleta ay talagang Halal-certified.
Ito ay kanilang binase para sa mga Muslim na atlela, kung saan ang kanilang mga dapat kainin ay limitado lamang dahil sa kanilang Islamic region.
Sinabi din ni Lim na sinigurado niya na ang kaniyang culinary team ay alam lahat tungkol sa Halal. Pumunta rin ang Malaysian government upang tignan at patunayan na lahat ng mga pagkain na iseserve nila Lim ay 100% na Halal food.
Itinalaga naman si Lim ng Philippine Southeast Asian Games Committee (PHISGOC) na maging head chef ng 2019 Southeast Asian Games.
Bilang isang head chef, si Lim ay ang siyang responsable sa mga pagkain at limitasyon na pagkain ng mga kakailanganin ng lahat ng mga atleta.
Dagdag din ni Lim na siya kasama ang kaniyang mga culinary team ay tinatanong at kinokonsulta ang mga nutritionist ng bawat team upang masiguro ang diet restrictions ng mga atleta.
COMMENTS