Ang lalaking ito ay si Abdul Halim al-Attar. Isa siyang Syrian refugee na naninirahan sa Lebanon.
Nakakahabag tignan ang mga larawang ito ng isang ama na karga karga ang kanyang anak habang nagtitinda ng ballpen sa daan. Umiiyak ang lalaking ito na tila nagmamakaawa na bilhin na ang mga ballpen na hawak nya. Marahil ang mapagbebentahan nito ay mapupunta sa pantawid gutom ng kanyang mga anak.
Ang lalaking ito ay si Abdul Halim al-Attar. Isa siyang Syrian refugee na naninirahan sa Lebanon.
Ang mga nakita ninyong larawan ay kumalat sa Internet at kung hindi ninyo naitatanong ay itong mga litrato ang naging daan para sa kanyang pangarap at pangarap para sa kanyang mga anak.
Sinasabing noong itong mga larawang ay kumalat sa socmed, ay may nagmagandang loob na tulungan sya.
Ang IndieGoGo ay binigyan sya ng $191,000 o humigit kumulang na 10 million pesos. Ang pera na ito ay buong pusong tinanggap naman ni Hussein Mall/ AP Al-Attar.
Imbis na $191,000 ang kanyang natanggap ay ito ay naging $168,000 na lang dahil sa mga processing fees at bank fees. Nabawasan man ngunit para kay Al-Attar ay malaki itong regalo at tulong sa kanya.
Ang kanyang pangarap na magkaroon ng magandang tutuluyan na bahay para sa kanyang anak ay natupad.
At hindi lang yan, natupad din nya ang matagal nyang pinapangarap na panaderya . Naging maayos ang kanyang negosyo at talaga namang ito ay mas pinalago nya pa.
Sinabing sya din ay naghire ng mga kapwa nyang 16 na Syria Refugees upang tumulong sa kanyang negosyo na panaderya.
Sa kanyang kabutihang loob ay naging matagumpay talaga at maganda ang kinita ng kanyang panaderya dahil sa pagbebenta ng masasarap na tinapay at shawarma.
Nagawa nya ding bigyan ng bahay ang kanyang pamilya at pinagtuunan nya din ng pansin ang pag aaral ng kanyang anak na nahinto ng halos tatlong taon.
Ang pagsusumikap, kababaang loob at pagtityaga ang naging daan nya upang sya ay umasenso. Lubos ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya.
COMMENTS