Totoo naman na nakakapagod ang gawaing ito yamang inuubos nito ang pisikal na lakas ng bawat kasambahay.
Ngunit sa kabila ng pagod, patuloy pa rin sa paglilingkod ang mga kasambahay at nagsasakripisyo para maitaguyod ang kanilang sariling sambahayan, kapalit man nito ang mapalayo sila sa kanilang mahal na asawa, mga anak at iba pang kapamilya.
Nakita ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez Padilla ang mapagsakripisyong saloobin ng mga kasambahay kaya naman ang mag-asawa mismo ay nagpapakita rin ng magandang pakikitungo sa kanila at sinusuklian sila ng kabutihan.
Sa isang araw ng pagdiriwang ng Mother’s Day, si Mariel ay nagbigay papuri sa anim na kasambahay nila na mga nanay din sa kanilang sariling sambahayan. Isa-isang binigyan ng anak na babae nila Robin at Mariel ng bungkos ng bulaklak ang mga nanay na kasambahay bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo.
Sinabi pa ni Mariel sa kaniyang Instagram post na ang mother’s day ang pinaka-importanteng araw para sa kaniya. Iba ang hirap at saya ng pagiging isang ina at na bawat ina ay karapat-dapat makadama ng pagmamahal at parangal.
Nagpapasalamat siya sa pagtayo din nila bilang ‘nanay’ para sa anak nilang si Maria Isabela.
Sa isang video naman ng mag-asawang Padilla, makikita na sila mismo ang nakikipagsaya sa kanilang mga kasambahay sa isang palaro na isinagawa sa loob ng kanilang tahanan at makikita din ang sayang naidulot nito sa kanilang mga kasambahay.
Ang mga gawa ng kabutihan ng mag-asawang Padilla ay umani rin naman ng papuri sa mga Netizen na nakakita sa kanilang ginawa para sa kanilang mga kasambahay. Nagpasalamat ang ilan sa kanilang mga comments sa pagpapahalaga at sa kabaitan na ipinapakita nila sa kanilang mga kasambahay.
Ang mga gawa ng kabutihan ng mag-asawang Padilla ay umani rin naman ng papuri sa mga Netizen na nakakita sa kanilang ginawa para sa kanilang mga kasambahay. Nagpasalamat ang ilan sa kanilang mga comments sa pagpapahalaga at sa kabaitan na ipinapakita nila sa kanilang mga kasambahay.
COMMENTS