Magandang balita dahil kahapon lamang, pinirmahan na ni Presidente Duterte ang batas para magkaroon ang bawat isa ng permanenteng mobile number.
Ilang beses ka nang nagpalit ng SIM Card? Ilan sa mga ito ang naaalala mo pa? O baka naman napagpapalit-palit mo na ang mga numero sa dami ng naging SIM card mo?
Kapag nagpalit ka pa ng SIM card, kailangan mo pang sabihan ang lahat ng kontak mo tungkol dito at hassle ito para sa atin. Posible pa kaya na ang gamit nating SIM card ngayun ay magagamit na natin ng permanente?
Sa ibang mga bansa gaya ng Canada at US, puwede nilang ilipat ng ibang serbisyo ang mga contact numbers nila ng hindi ito pinapalitan. Sa Pilipinas naman, nito lang nakaraang, ipinasa na sa Kamara o Kongreso ang House Bill 7652 o Mobile Number Portability bill.
Ang panukalang batas na ito ay nagpapahintulot sa isa na magakaroon ng iisang mobile number kahit pa magpalit ito ng ibang service provider o ibang subscription. Karagdagan pa, ito ay walang bayad.
Kapag ang mga service provider ay hindi sumunod dito, maaaring silang magmulta ng isang milyong piso at ma-revoke ang kanilang lisensya. Ang National Telecommunication Commission ang inaasahan na magsasagawa ng implementasyon ng bagong batas na ito sa mga telcos ang kung paano ito maisasagawa sa buong bansa.
Magandang balita dahil kahapon lamang, pinirmahan na ni Presidente Duterte ang batas para magkaroon ang bawat isa ng permanenteng mobile number. Ang batas na ito ay nagpapahintulot sa isa na mapanatili ang kaniyang mobile number kahit pa gusto na niyang nagpalit ng service provider o kaya naman ay lumipat mula postpaid patungo sa prepaid na subscription. Ang aplikasyon ng pagpapalit na ito ay dapat na mabilis na transakyon at walang bayad.
Inaasahan na marami sa mga kustomer ang magpapalit ng service provider o ng mga subscriptions kaya naman kailangang maging handa ang mga service providers at sumunod sa bagong batas na ito na ipinasa para sa kapakinabangan ng lahat.
COMMENTS