ng paghuhugas daw pala ng pinagkainan at nakakatulong sa ating kalusugan dahil ito ay nakakawabawas ng stress
Sa panahon ngayon normal ng maituturing ang makaranas ng pagsubok o kaya naman ay problema sa buhay. Nariyan ang mga pagkakataon na maiistress tayo sa mga bagay bagay at sitwasyon. Kaya naman kung ikaw ay may kakilala na nakakaranas ng problema at stress, maaari mong ibahagi ang impormasyon na ito kung saan makakatulong upang mabawas ang kanilang stress na nararamdaman.
Ayon sa pag-aaral at pagsasaliksik ng isang grupo sa Florida State University sa Tallahassee na pinangungunahan ni Adam W. Hanley, na ang paghuhugas daw pala ng pinagkainan at nakakatulong sa ating kalusugan dahil ito ay nakakawabawas ng stress.
Dagdag pa nila, ay ang paggawa sa gawaing ito ay nakakatulong din upang mapalakas ang ating mental health at nakakatulong din ito upang mapalakas ang pangangatawan.
Narito ang ibinahagi na salaysay ni Adam W. Hanley at ng kanyang grupo sa kanilang pag-aaral:
“This study sought to investigate whether washing dishes could be used as an informal contemplative practice, promoting the state of mindfulness along with attendant emotional and attentional phenomena.”
“We hypothesized that, relative to a control condition, participants receiving mindful dishwashing instruction would evidence greater state mindfulness, attentional awareness, and positive affect, as well as reduce negative affect and lead to overestimations of time spent dishwashing”
Sa kanilang pag-aaral at pagsasaliksik ay kumuha sila ng 51 na estudyante kung saan kanilang sinukat ang pagiging maasikaso ng mga ito, bago at matapos makapaghugas ng pinagkainan. Dito kanilang pinagbatayan ang resulta na kung saan ang tanging focus ng mga estudyante ay kanilang ginawa katulad ng paghuhugas ng pinagkainan.
Lumabas sa resulta na ang paghuhugas ng plato ng maingat ay nakakabawas ng 27% sa negatibong epekto sa pagiging nerbiyoso. Tumataas naman ang positibong epekto nito ng 25% kung saan nakakatulong sa ating inspirasyon.
Kaya sa mga kakilala niyo na madalas na stressed at madaming iniisip na problema sakanilang buhay, wag magatubiling ibahagi ang impormasyon na ito. Maaari niyo rin silang payuhan na ang stressed at mga problema ay dumadaan lang sa buhay at matatapos din ito.
Kung kayo ay may alam pang ibang makakatulong sa pagbawas ng stressed sa isang tao, maaari niyo itong ibahagi sa pamamagitan ng pag komento dito.
COMMENTS