Sa Pilipinas, napakarami na ang miyembro ng iba't ibang networking business at iba iba rin ang taktika ng bawat isa upang makahatak pa ng karagdagan miyembro.
Magagarang sasakyan, naglalakihang mga mansyon, tseke na naglalaman ng napakalaking halaga at bakasyon sa iba't ibang bansa. Ilan lamang iyan sa mga bagay ipinapakitang sa social media at internet ng mga tao na kabilang sa networking business.
Ang mga larawang iyan ang kanilang patotoo ng pagyaman sa larangang ito.
Sa Pilipinas, napakarami na ang miyembro ng iba't ibang networking business at iba iba rin ang taktika ng bawat isa upang makahatak pa ng karagdagan miyembro. Bagaman may mga yumaman naman talaga sa naturang business na ito, marami pa rin ang hindi pa nakapagtatamasa ng bunga ng kanilang pagsisikap sa pag-iinvest dito. Kaya naman, marami din sa mga Pilipino ang hindi gaanong bilib sa uri ng business na ito.
Ganiyan din ang nadama ng isang nagtitinda ng balut sa networking business.
Sa post sa Facebook page na Pepeng Pinakamalupit, ipinakita ang convo ng balut vendor at ng networker sa messenger.
Sa messenger, mababasa na hinihikayat ng networker na sumali sa networking business ang balut vendor at na ito na ang susi ng kaniyang pag-unlad. Sa halagang Php 6,980, makakasali na siya sa Aim Global at matatamo ang kaniyang mga pangarap. Sinabi ng balut vendor na hindi niya kaya at na maghanap na lang siya ng iba.
Sinabi ng networker sa balut vendor na pinalalampas niya ang pagkakataon na magkaroon ng maalwang buhay at maging milyonaryo dahil sa pagtanggi niya sa offer ng networker.
Bumanat ang balut vendor sa reply ng networker. Tinanong niya ang networker kung lahat ba ng sumali sa networking nila ay yumaman na. Kung sa tagal niya sa networking niya na tatlong taon, bakit OFW pa rin siya sa Saudi Arabia at hindi pa rin nakakauwi ng Pilipinas. Kung talagang napapayaman ng networking business ang isa, dapat sana mayaman na siya ngayon.
Idinagdag pa ng balut vendor na kahit maliit na business lang ang pagbabalut, kumikita siya dito araw araw, hindi katulad sa networking na ang mahal ng presyo ng mga produkto Kaya walang gaanong namimili. Kaya naman hinimok niya ang networker na subukang maging balut vendor at kumita din araw araw.
Ang convo na ito sa pagitan ng balut vendor at networker ay kalat ngayon sa Facebook at nagpapasaya sa mga Facebook user.
COMMENTS