Netizen, Ibinahagi Ang Tamang Pagsuot At Paggamit Ng Medical Mask

Ang medical mask o surgical mask ay kadalasang ginagamit ng marami sa atin upang takpan ang kanilang ilong at bibig.


Sigurado, lahat naman sa atin ay alam kung ano ang medical mask o kadalasang tinatawag bilang isang surgical mask o face mask. Gayunpaman, karamihan sa atin ay hindi alam kung paano ito gamitin ng maayos.

Ang medical mask o surgical mask ay kadalasang ginagamit ng marami sa atin upang takpan ang kanilang ilong at bibig. Mayroon din itong tali sa magkabilang gilid na nailalagay sa magkabilang likod ng tainga para ito ay hindi malaglag. Ito ay maaaring makatulong para makaiwas sa anumang sakit, germs, o bacteria at ito din ay nagsisilbing harap para makaiwas na makakuha ng sakit o bacteria mula sa ibang tao.

Kadalasan, ang mga Health professionals ang siyang gumagamit nito. Ito ay nagsisilbing proteksyon nila sa mga impeksyon na maaari nilang makuha sa kanilang trabaho sa mga may sakit na tao na kanilang inaalagaan o tinutulungan.


Habang ang mga may sakit naman o ang mga taong mayroong mahinang immune system ay ginagamit ito bilang kanilang harang sa mga sakit o impeksyon na maaari pang magpalala sa kanilang nararamdaman.

Ngayon na alam na natin kung ano nga ba ang medical mask o surgical mask at ang mga benepisyong naibibigay nito sa ating katawan, ang tanong ngayon, alam na nga ba natin kung paano ito gagamitin sa maayos na paraan?

Nito lamang, isang concerned netizen na si Janine Lorica Espinas ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account ng kaniyang kaalaman at ilang mga tips kung paano gagamitin ang medical mask ng maayos.

Ang kaniyang Facebook post ay kaagad na nag viral sa social media at ito ay mayroong mahigit sa 10,000 reactions at 8,7000 shares mula sa ating mga netizens.


Ayon sa kaniya, natutunan niyang gamitin ang medical mask sa maayos na paraan sa kaniyang naging on-the-job training noong nakaraang taon.

Sinabi niya niya na kung ang isang tao ay may sakit at ayaw niyang mahawa ang ibang tao mula dito, dapat ang puting parte ng mask ay nakapaloob dito. At kung ang ibang tao naman ang may sakit, ang puting parte ay dapat nasa labas para ikaw ay maproteksyunan sa kahit anong sakit na maaaring pumasok sa iyong immune system.

Ayon din sa kaniya, ang kulay asul na parte ng mask ay nakakatulong upang maiwasan na makapasok ang kahit anong likido sa iyong bibig o ilong habang ang puting parte naman ay makakatulong upang harangan ang kahit anong micro-organism na makapasok sa iyong katawan kapag ikaw ay humihinga.


Dahil sa post ni Espina, marami sa ating mga netizens ang nagsasabi na mali pala ang kanilang paggamit ng mask dahil wala naman nagtuturo sa kanila kung paano ito gagamitin ng maayos. Ang ilan ay nagpahayag ng kanilang opinyon sa comment section ng post.

Sinabi rin ng San Francisco Department of Health na dapat munang maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o di kaya ay gumamit ng isang hand sanitizer bago suotin ang mask para maiwasan na makakuha ng mga maruruming bagay ang mask.

Pinaalalahanan din nila ang mga netizens na ang paulit ulit at pagbabahagi ng face mask sa ibang tao ay hindi dapat ugaliing gawin.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Netizen, Ibinahagi Ang Tamang Pagsuot At Paggamit Ng Medical Mask
Netizen, Ibinahagi Ang Tamang Pagsuot At Paggamit Ng Medical Mask
Ang medical mask o surgical mask ay kadalasang ginagamit ng marami sa atin upang takpan ang kanilang ilong at bibig.
https://1.bp.blogspot.com/-EzQ2SwPG9zA/XdSmkfIU6VI/AAAAAAAB2g0/esc2qq984nAgBwq_11PsTCrwAt5o71mEACLcBGAsYHQ/s640/Correct%2Buse%2Bof%2Bmask.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-EzQ2SwPG9zA/XdSmkfIU6VI/AAAAAAAB2g0/esc2qq984nAgBwq_11PsTCrwAt5o71mEACLcBGAsYHQ/s72-c/Correct%2Buse%2Bof%2Bmask.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/11/netizen-ibinahagi-ang-tamang-pagsuot-at.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/11/netizen-ibinahagi-ang-tamang-pagsuot-at.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy