Kung ang "city-ki11er" asteroid, na siyang pinangalanan ng JF1, ay tatama nga sa Earth, ang epekto nito sa kalupaan ay maaaring katumbas ng naging pagsabog ng TNT na mayroong nasa 230 kilotons.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), mayroong isang malaking asteroid na tinatayang kasing laki ng Great Pyramid of Giza ang siyang tatama sa kalupaan sa May 6, 2022.
Sinabi din ng NASA sa kanilang naging panayam sa The Daily Expression noong November 16 na mayroong nasa 0.026% na tyansa ang pagtama ng asteroid sa kalupaan, ito din diumano ang pinakanakakatakot na pangyayari na maaaring mangyari sa mundo dahil sa lakas ng magiging epekto nito sa kalupaan.
Kung ang "city-ki11er" asteroid, na siyang pinangalanan ng JF1, ay tatama nga sa Earth, ang epekto nito sa kalupaan ay maaaring katumbas ng naging pagsabog ng TNT na mayroong nasa 230 kilotons.
Ito ay tinatayang nasa 15 beses na mas malakas kumpara sa atomic bomb na tumama sa Hiroshima noong 1945, kung saan sinira nito ang buong syudad dahil sa pwersa na mayroon ito na nasa 15 kilotons.
Kahit pa man ang asteroid ay sinasabing hindi tatama sa syudad at tatamaan lamang ang ilang parte sa Pacific Ocean, ang epekto pa rin nito ay magiging malakas na magiging sanhi ng mga tsunami at "nuc1ear winter".
Sinabi rin ng ilang mga scientist na ang malaking asteroid ay maaaring nasa 420 feet o nasa 130 metro ang lapad.
Kasalukuyan namang tinitignan at pinag-aaralan ng NASA Jet Propulsion Laboratory (JPL) ang space rock ilang taon na din ang nakakalipas dahil na rin nga sa malakas na magiging epekto at pagkasira na maaaring ibigay ng Asteroid Jf1 sa kalupaan. Sinumulang pag-aralan ng NASA ang space rock simula nang kanila itong makita sa space noong 2009.
Hanggang ngayon ay tutok at binibigyang atensyon ng NASA JPL ang nasabing malaking asteroid sa pamamagitan ng isang Sentry.
Ayon sa NASA JPL,
“a highly automated collision monitoring system that continually scans the most current asteroid catalog for possibilities of future impact with Earth over the next 100 years.”
COMMENTS